2011
Komentaryo
Abril 2011


Komentaryo

Pinagagaan Niya ang Ating mga Pasanin

Gustung-gusto ko ang magasing ito at lahat ng nilalaman nito. Gustung-gusto ko ang mga artikulo ng mga General Authority, lalo na ang mga mensahe sa kumperensya. Tinuturuan tayo nito at hinihikayat tayong sumulong, sa kabila ng ating mga pagsubok.

Ako ay 26 na taon nang miyembro ng Simbahan, at nabasa ko ang bawat isyu ng Liahona. Madalas kong basahin ang mga nakaraang isyu, at ang isang artikulong gustung-gusto ko ay “Ang Magiliw na Awa ng Panginoon,” ni Elder David A. Bednar (Mayo 2005, 99). Tinutulungan ako nitong maalala kung gaano kadalas mamagitan ang Ama sa Langit dahil sa Kanyang magiliw na awa at pinagagaan ang ating mabibigat na pasanin.

Iolanda Valenti, Italy

Ang mga Turo ay Nagmumula sa Panginoon

Nagpapasalamat ako buwan-buwan na matanggap ang mga salita ng mga buhay na propeta. Alam ko na ang kanilang mga turo ay nagmumula sa Panginoon at pagpapalain ang aking buhay kung ipamumuhay ko ang mga ito. Ang pagbabasa ng mga karanasan ng mga Banal sa buong mundo ay nagpapalakas ng aking pananampalataya at patotoo dahil nalalaman ko ang ginagawa ng iba para matiis ang kanilang mga pasanin.

Byron David Calderon Mosquera, Ecuador