2011
Si Jesucristo ang Aking Tagapagligtas at Manunubos
Abril 2011


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Si Jesucristo ang Aking Tagapagligtas at Manunubos

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito upang marami pang matutuhan tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

“Naniniwala kami na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, ang buong sangkatauhan ay maaaring maligtas, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at ordenansa ng Ebanghelyo” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3).

Ano ang handa ninyong ibigay para sa isang taong mahal na mahal ninyo? Mahal na mahal tayo ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo kaya Niya ibinuwis ang Kanyang buhay para sa atin.

Alam ng Ama sa Langit na kung magkakasala tayo at magkakamali, hindi na tayo muling makababalik sa Kanyang piling. Kaya’t ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay nagmungkahing maging ating Tagapagligtas. Siya ang pinili ng Ama sa Langit na magligtas sa atin dahil Siya lamang ang maaaring mabuhay nang hindi nagkakasala.

Si Jesus ay nagdusa at namatay upang iligtas tayo mula sa kamatayan at sa ating mga kasalanan. Ang gawaing ito ng pagmamahal ay tinatawag na Pagbabayad-sala. Dahil sa Pagbabayad-sala, maaari nating pagsisihan ang ating mga kasalanan, mapatawad, at maging malinis at dalisay na tulad ni Jesus.

Si Jesus ay ipinako sa krus at namatay, ngunit pagkalipas ng tatlong araw Siya ay nabuhay na mag-uli. Siya ay muling nabuhay! Dahil Siya ay nabuhay na mag-uli, tayo rin ay mabubuhay na mag-uli. Ibig sabihin ang ating katawan at espiritu ay muling magsasama magpakailanman.

Tunay na si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Siya ang perpektong halimbawa sa ating lahat. Tinuruan Niya tayo kung paano pakitunguhan nang buong kabaitan ang isa’t isa. Tinuruan Niya tayo kung paano paglingkuran ang isa’t isa. Tinuruan Niya tayo kung paano maging mas mabuting tao. Hindi tayo makapamumuhay nang perpekto na tulad ng ginawa Niya, ngunit makababalik tayo upang makapiling si Jesus at ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at paggawa ng lahat sa abot ng ating makakaya. Kailangan nating sundin si Jesucristo bawat araw.

Kaliwa: paglalarawan ni Paul Mann © 1991 IRI; kanan: paglalarawan ni Beth M. Whittaker