2011
Masaya sa Tahanan
Abril 2011


Masaya sa Tahanan

Sina Buntha at Neath ay magkapatid na naninirahan sa Siem Reap, Cambodia.

Nang maging walong taong gulang si Buntha, nagpasiya siyang magpabinyag. Kapag naging walong taong gulang si Neath, bibinyagan din siya. “Gusto kong matanggap ang Espiritu Santo,” sabi niya.

Mahalaga kina Buntha at Neath ang maglingkod sa kapwa. Gustong maging misyonero ni Buntha paglaki niya. Hindi makapaghintay si Neath na maging “lolang misyonera,” isang senior missionary.

Binibisita ng mga tao mula sa iba’t ibang dako ng mundo ang kanilang mga lumang gusali sa lungsod, ngunit masayang-masaya sina Buntha at Neath na mamalagi sa kanilang tahanan at sa piling ng kanilang pamilya.

May espesyal na lugar sina Buntha at Neath sa labas ng bahay nila kung saan sila nauupo at nagbabasa ng mga banal na kasulatan, gumagawa ng kanilang homework, at nagbabasa ng Liahona. Gustung-gustong binabasa nina Buntha at Neath ang kanilang mga banal na kasulatan. Sinisikap nilang basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw. Gustung-gustong binabasa ni Neath ang tungkol sa panaginip ni Lehi. Gustung-gusto namang basahin ni Buntha ang tungkol kay Nephi.

Gustung-gustong maglaro ni Neath ng mga holen. Gustung-gustong maglaro ni Buntha ng football gamit ang anumang bolang makita niya.

Palaging magkasama sina Buntha at Neath. Sinisikap nilang maging mabait sa isa’t isa at sa kanilang pamilya.

Mga larawang kuha ni Chad E. Phares