Natatanging Saksi
Paano ako mananatiling ligtas mula sa masasamang bagay sa mundo?
Mula sa “Paano Mamuhay nang Maayos sa Gitna ng Tumitinding Kasamaan,” Liahona, Mayo 2004, 100–102.
Ibinahagi ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa kanyang mga ideya tungkol sa paksang ito.
Bagama’t mukhang mahirap ang buhay ngayon, mahigpit na humawak sa gabay na bakal ng katotohanan. Umuunlad kayo nang higit kaysa akala ninyo.
Mabubuhay kayo nang matwid, sagana, mabuti, sa pamamagitan ng pagsunod sa plano ng pangangalagang nilikha ng inyong Ama sa Langit: ang Kanyang plano ng kaligayahan.
Sa patuloy na pagtuon ng puso’t isipan ninyo sa Panginoon, tutulungan Niya kayong mabuhay nang makabuluhan at masagana anuman ang mangyari sa inyong paligid.
Inihanda ng Ama sa Langit ang mga banal na kasulatan at naglaan ng patuloy na banal na patnubay upang tulungan tayo. Ang tulong na iyon ang titiyak na mabubuhay kayo nang mapayapa at maligaya sa gitna ng nag-iibayong kasamaan.
Hangarin at pakinggan ang personal na patnubay na hatid sa inyo ng Banal na Espiritu.