Mga Kabataan
Ipinakita Niya sa Atin ang Daan Pabalik
“Naparito ang Tagapagligtas sa mundo upang ipakita sa atin kung paano ipamuhay ang planong mula sa langit—isang plano na kung ipamumuhay ay magpapaligaya sa atin. Ang Kanyang halimbawa ang nagturo sa atin ng daan pabalik sa ating Ama sa Langit. Walang ibang nabuhay sa mundo na naging lubos na ‘matatag at [hindi n]atitinag’ (Mosias 5:15). Hindi man lang Siya nabahala. Nakatuon Siya sa pagsasakatuparan ng kagustuhan ng Ama, at nanatili Siyang tapat sa Kanyang banal na misyon. …
“Bahagi kayo ng kahanga-hangang planong iyon na inilahad sa mundo noon bago pa kayo isinilang. Ang pagparito ninyo sa mundo ngayon ay inasahan na mula pa noong tanggapin ang plano. Hindi aksidente ang oras at lugar ng inyong kapanganakan. Ang inyong ‘labis na pananampalataya at mabubuting gawa’ (Alma 13:3) noon ang naging saligan ng anumang magagawa ninyo ngayon kung kayo ay tapat at masunurin. … May gagampanan kayong dakilang gawain. Para magampanan ang inyong banal na misyon at masunod ang plano ng kaligayahan, kailangan din ninyong maging matatag at hindi natitinag.”
Elaine S. Dalton, Young Women general president, “Sa Lahat ng Panahon, sa Lahat ng Bagay, at sa Lahat ng Lugar,” Liahona, Mayo 2008, 116.