2011
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Abril 2011


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Tumatanggap ng mga Entry ang Simbahan para sa Ninth International Art Competition

Ang Church History Museum ay gagawa ng mga registration form para sa Ninth International Art Competition ng Simbahan na makukuha online sa Abril 4, 2011. Ang mga entry para sa paligsahan ay dapat isumite online o matatakan ng koreo bago sumapit ang Oktubre 7, 2011. Ang tema ng darating na paligsahan ay “Ipaalam ang Kanyang mga Kamangha-manghang Gawa” (D at T 65:4). Para sa iba pang impormasyon sa Ingles o para makita ang piling sining mula sa nakaraang mga paligsahan, bisitahin ang lds.org/churchhistory/museum/competition.

Isinasagawa na Ngayon ang mga Kuwento sa Bagong Tipan

Bilang suporta sa kurikulum ng Bagong Tipan sa 2011, ginawa nang animated ang mga video mula sa aklat na Mga Kuwento sa Bagong Tipan gamit ang pamamaraang tinatawag na parallax. Ang 65 video ay makukuha sa Ingles gayundin ang mga audio MP3 recording para sa bawat video sa 11 wika sa LDS.org. Ang mga parallax video ay makukuha sa bawat wika sa taong 2011. Hanapin ang mga video sa scripturestories.lds.org at piliin ang New Testament Stories.

Nangakong Magiging Tapat sa Tungkulin sa Diyos ang mga Binatilyo sa Bangalore

Mahigit 30 binatilyo mula sa Bangalore India District ang nagtipon sa kaburulan ng Kanakapura upang matutuhan ang bagong programa ng Tungkulin sa Diyos at matuto ng mga espirituwal na aral mula sa mahihirap na pisikal na aktibidad. Gumamit ng lubid at kalo [pulley] ang mga binatilyo para tawirin ang isang munting lawa. Sumali sila sa takbuhan sa umaga, umakyat ng bundok, at natutong mag-rappel. Natapos ang aktibidad sa isang pulong-patotoo.

Tingnan at pakinggan ang pagsasabuhay ng klasikong mga kuwento sa Bagong Tipan sa maningning na kulay at pagsasalaysay sa scripturestories.lds.org.