“Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan” (Eclesiastes 12:1)
Ang mga banal na kasulatan ay nagsasalaysay ng mga ministeryo ng mga propeta at apostol. Marami sa mga lider na ito ang kilala na ang Diyos mula pa noong kanilang kabataan. Narito ang limang tala sa banal na kasulatan na naglalarawan ng mga karanasan ng ilan sa mga magiging lider na ito.
-
Si Juan Bautista, na tinawag upang ihanda ang mga tao para sa “pagparito ng Panginoon,” ay “inordenan sa pamamagitan ng anghel ng Diyos sa panahong siya ay nasa gulang na walong araw sa kanyang kapangyarihan” (D at T 84:27–28).
-
Si Haring Josias, na pinutungan ng korono sa edad na walo, ay ginugol ang kanyang 31-taong pamumuno sa pagtulong sa mga Judio na magbalik-loob sa ebanghelyo (tingnan sa II Mga Hari 22).
-
Si Mormon ay mga 10 taong-gulang nang piliin siya ni Amaron na maging kasunod na tagapag-ingat ng mga talaan (ang mga lamina ni Nephi). Sa edad na 16 anyos pinamunuan ni Mormon ang mga hukbo ng Nephita. (Tingnan sa Mormon 1:2–4; 2:1–2.)
-
Si David ay “binatilyo” pa lang nang patayin niya si Goliath, na marahil ay kaedad ng mga kawal sa hukbo ni Helaman (tingnan sa 1 Samuel 17:49–56; Alma 53:22).
-
Si Jose ay 17 nang ipagbili siya sa Egipto, kung saan “ang Panginoon ay suma kay Jose” (tingnan sa Genesis 37:2, 27–28; 39:2).