2011
Isang Barya Lamang
Agosto 2011


Isang Barya Lamang

“Kahit ikapu ko’y maliit, pananalig at pasasalamat sa Panginoon pa rin ang hatid” (“I Want to Give the Lord My Tenth,” Children’s Songbook, 150).

  1. Tinitigan ni Daniel ang barya sa lalagyan ng kanyang damit. Ilang minuto na niya itong tinititigan. Parang kaunting halaga lamang ito.

    Daniel, handa ka na bang magsimba?

    Opo, Itay. Papunta na po ako diyan.

  2. Inilagay ni Daniel ang barya sa kanyang bulsa at tumakbo para makasabay sa kanyang pamilya.

  3. Nang makarating si Daniel at ang kanyang pamilya sa simbahan, kumuha siya ng tithing slip at sobre mula sa labas ng opisina ng bishop.

    Itay, puwede n’yo po ba akong tulungan sa pagsulat dito?

    Oo naman.

  4. Magkano ang ibabayad mong ikapu ngayon?

    Kaunti lang po. Ito lang po.

    Daniel, ito ba ay 10 porsiyento ng perang kinita mo?

    Opo.

    Kung gayon, tama na ito.

  5. Isinara ni Daniel ang sobre at ibinigay ang ikapu sa bishop. Kinamayan siya ng bishop. Naisip ni Daniel kung kakamayan pa rin kaya siya ng bishop kung alam nitong isang barya lamang ang nasa sobre.

  6. Ipinagmamalaki kita, Daniel. Mabuting pagpili ang pagbabayad ng ikapu.

    Alam ko po, Itay, kaya lang isang barya lang iyon.

  7. Hindi mo alam kung ano ang mababayaran ng isang baryang iyon. Baka ipambayad iyon sa pag-imprenta ng isang pahina sa Aklat ni Mormon, o baka makatulong iyon sa pagbabayad ng isa sa mga batong gamit sa pagtatayo ng templo.

  8. Hindi ganito ang tingin ni Daniel noon sa ikapu. Sinimulan niyang isipin ang lahat ng paraan na maaaring makatulong ang kanyang ikapu sa iba.

    Sa palagay ko tama po kayo, Itay. Natutuwa po ako na makababayad ako ng ikapu—kahit po isang barya lang.