2011
Binago ng Simbahan ang mga Hangganan ng Mission
Agosto 2011


Binago ng Simbahan ang mga Hangganan ng Mission

Upang mas maitugma ang mga mapagkukunan sa pabagu-bagong mga pangangailangan, lumikha ng limang bagong mission ang Simbahan at isinama ang iba sa kalapit na mga mission nitong 2011. Ang bilang ng mga mission sa buong mundo ay 340.

Nilikha ng Simbahan ang sumusunod na mga mission:

Ang Benin Cotonou Mission—na binubuo ng Benin at Togo—ay nilikha mula sa bahagi ng dating Ivory Coast Abidjan Mission.

Ang Mexico Mexico City Southeast Mission ay binuo mula sa pagbabago ng mga hangganan ng Mexico Mexico City East, Mexico Mexico City Northwest, at Mexico Mexico City South Missions.

Ang Peru Chiclayo Mission ay binuo mula sa Peru Piura at Peru Trujillo Missions.

Ang pagkakahati ng Philippines Manila at Philippines Quezon City Missions ay lumikha ng Philippines Quezon City North Mission.

Ang Zambia Lusaka Mission ay inihiwalay sa Zimbabwe Harare Mission at makakabilang ang bansa ng Malawi.

Ang sumusunod na mga mission ay pinagsama:

Ang Canada Toronto East at Canada Toronto West ay pinagsama upang maging Canada Toronto Mission.

Ang Connecticut Hartford Mission ay isinama sa Massachusetts Boston Mission.

Binago ang hangganan ng Florida Jacksonville, Florida Tallahassee, Georgia Atlanta, at South Carolina Columbia Missions at binago upang mapaghati-hatian ng bawat isa ang dating Georgia Macon Mission.

Ang Portugal Porto Mission ay naging bahagi ng Portugal Lisbon Mission.

Binago ang hangganan ng France Paris at France Toulouse Missions upang makabilang ang Switzerland Geneva Mission area. (Dagdag pa rito, ang headquarters ng France Toulouse Mission ay inilipat sa Lyon, at ang pangalan ng mission ay pinalitan ng France Lyon.)

Binago ang mga hangganan ng El Salvador San Salvador East at El Salvador San Salvador West/Belize Missions. Ang East mission ay El Salvador San Salvador Mission na ngayon, at ang West ay El Salvador Santa Ana/Belize Mission na ngayon.

Mountain High Maps © 1993 Digital Wisdom, Inc.