Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
South Korea
Ang unang gawaing misyonero sa Korea ay nagsimula noong Korean War sa unang bahagi ng mga 1950s, ngunit si Kim Ho Jik, isa sa mga unang Korean na naging miyembro, ay nabinyagan sa Estados Unidos. Si Kim ay nag-aaral noon para sa kanyang doctorate degree nang sumapi siya sa Simbahan sa Pennsylvania noong 1951. Kabilang ang dalawa sa kanyang mga anak sa unang apat na taong nabinyagan sa Korea, noong Agosto 3, 1952. Si Brother Kim ay naging lider sa pamahalaan ng Korea kalaunan at malaki ang naging impluwensya niya sa pagtulong sa mga misyonero na makapasok sa South Korea.
Noong 1962, binuo ang Korean Mission, at ang Aklat ni Mormon ay nailimbag sa wikang Korean noong 1967. Ang unang stake sa South Korea, na siya ring unang stake sa lupain ng Asia, ay inorganisa sa Seoul noong Marso 8, 1973. Ang Seoul Korea Temple, na unang templo sa lupain ng Asia, ay inilaan noong 1985.
Noong 2001 si Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagbigay ng kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa prime minister ng South Korea na si Lee Han-Dong.
Ang Simbahan sa South Korea | |
---|---|
Bilang ng mga Miyembro |
81,251 |
Mga Mission |
3 |
Mga Stake |
17 |
Mga ward at branch |
142 |
Mga Templo |
1 |