Ang Ating Pahina
Gusto ni Jazzive V., edad 7, mula sa South Carolina, USA, na bumisita sa templo kasama ang kanyang mga magulang, at mahal na mahal niya si Jesucristo. Nais niyang pag-aralan ang mga Saligan ng Pananampalataya bago siya binyagan.
Nadama Ko ang Espiritu
Isang gabi, tulad ng bawat gabi, lumuhod ako sa tabi ng aking kama bago matulog at nagdasal. Pero nang gabing iyon pagkatapos kong magdasal, mas masaya ang pakiramdam ko kaysa rati. Alam ko na nadama ko ang Espiritu Santo nang gabing iyon.
Lisa E., edad 12, Germany
Gusto ni Daniela M., edad 8, na taga-Costa Rica, na magkaroon ng family home evening at makakuwentuhan ang kanyang pamilya. Gusto niyang nakikipaglaro sa kanyang kapatid na si Rodolpho. Ang paborito niyang kulay ay fuchsia.
Gusto ni Rodolpho M., edad 6, na basahin ang mga banal na kasulatan tungkol sa pagsilang ni Jesucristo. Ang paborito niyang kulay ay asul. Mahal niya ang kanyang mga magulang dahil siya ay inaalagaan at mahal nila.
Maaari Akong Maging Masaya
Kapag may ginawa akong mali, nagsasabi ako ng sori at nagsisikap na magpakabuti. Kapag ginagawa ko ang tama, pinasasaya ako ng Espiritu Santo. Gusto kong maging maganda palagi ang pakiramdam ko. Sa Aklat ni Mormon, nang makagawa ng masama si Nakababatang Alma, nagsisi siya at ginawa niya ang tama. Naging mabuti siyang halimbawa.
Jared Y., edad 5, West Malaysia
Valery R., edad 11, Switzerland
Fynn S., edad 10, Germany
Juan G., edad 6, Ecuador
Kanan: ang mga drowing nina Juan at Fynn ay mula sa children’s art exhibit