2011
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Agosto 2011


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Patuloy ang Simbahan sa Pagbibigay ng Tulong sa Japan

Kasunod ng mapangwasak na lindol na may 9.0-magnitude na tumama sa Japan noong Marso 11, 2011, patuloy ang Simbahan sa pagbibigay ng mga suplay at tulong sa buong bansa.

Mahigit 150 tonelada ng mga suplay mula sa mga tulong ng Simbahan ang naipamahagi: pagkain, tubig, mga kumot, kobrekama, hygiene kit, damit, at panggatong. Mahigit 7,000 miyembro ng Simbahan ang nagbigay ng mahigit 60,000 oras sa pagtulong.

Siyam na Milyong Talaan mula sa Hungary ang Nadagdag sa FamilySearch

Sa 11.5 milyong bagong talaan mula sa ibang mga bansa na nadagdag sa FamilySearch noong Marso, 9 na milyon ang nagmula sa Hungary.

Ang siyam na milyong talaang na-index na ang una sa tatlong talaang ibinigay ng Hungary na ilalathala sa susunod na taon. Bukod pa sa mga talaang ito, makukuha na ngayon sa FamilySearch ang mga bagong proyekto mula sa Hungary para ma-index ng mga boluntaryo.