2011
Ang Aking Katawan ay Templo ng Diyos
Agosto 2011


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Ang Aking Katawan ay Templo ng Diyos

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito upang marami pang matutuhan tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

“Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? … Ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo” (I Mga Taga Corinto 3:16–17).

Ipikit ang inyong mga mata at isipin ang isang templo. Ano ang kulay nito? Gaano kalaki ito? May mga bintana ba ito? May mga tore ba? Ilan?

Lahat ng mga templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay magkakaiba. Ang Salt Lake Temple sa Utah ay may pader na kulay abo na yari sa granito at may anim na tore. Iba ang hitsura nito sa Cardston Alberta Temple sa Canada, na bato ang mga dingding o pader ngunit walang mga tore. Kahit na iba ang hitsura ng bawat templo, lahat ay magaganda at iisa ang layunin ng pagkakatayo. Ang mga ito’y lugar kung saan nagaganap ang mga espesyal na ordenansa na kailangan natin upang makabalik sa Ama sa Langit.

Kayo ay katulad ng templo. Kaiba kayo sa ibang tao, ngunit kayo man ay isang bahay para sa Espiritu ng Diyos—ang Espiritu Santo. Sinabi ni Apostol Pablo: “Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? … Ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo” (I Mga Taga Corinto 3:16–17). Ang inyong katawan ay templo para sa inyong espiritu.

Gaya ng paggalang na ipinakikita ninyo sa mga templo, dapat ninyong igalang ang inyong katawan. Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa Word of Wisdom (tingnan sa D at T 89), sa pananamit nang disente, at sa pagpapanatiling malinis ng inyong katawan. Dapat din ninyong panatilihing malinis ang inyong puso’t isipan sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig sa, at panonood ng “mga bagay lamang na nakakalugod sa Ama sa Langit” (tingnan sa Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo).

Kapag malinis ang inyong isipan at katawan, makatatanggap kayo ng malalaking pagpapala.

Aktibidad

Hanapin ang daan palabas sa maze. Kapag nakarating kayo sa karatula o larawan, piliin ang landas na Oo o Hindi batay sa kung aling larawan ang nakatutulong sa inyo na ituring ang inyong katawan na tulad ng templo ng Diyos. Ang pagpili sa mga tamang landas ay hahantong sa templo.

Magdrowing ng apat pang mga bagay na makabubuti para sa inyo. Gupitin at ipatong ang inyong mga larawan sa mabubuting pagpili sa maze.

Mga prutas at Gulay

Alak at Tabako

Tinapay at mga Butil

Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Hindi Angkop na Palabas sa Telebisyon

Disenteng Damit

Mga paglalarawan ni Scott Greer