Natatanging Saksi
Ano ang matututuhan ko mula sa mga banal na kasulatan?
Mula sa “Ang Pagpapala ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 33–35.
Ibinahagi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilang ideya tungkol sa paksang ito.
Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang ating mga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.
Ang mga banal na kasulatan ay nagpapalawak sa ating alaala sa pamamagitan ng pagtulong sa atin na laging alalahanin ang Panginoon at ang kaugnayan natin sa Kanya at sa Ama. Ipinapaalala nito sa atin ang alam natin noon sa buhay bago tayo isinilang.
Ang mga kuwento ng pananampalataya ng iba sa mga banal na kasulatan ay nagpapalakas sa ating sariling pananampalataya.
Ang mga salita ng mga propeta, na tinatawag ng Panginoon na banal na kasulatan, ay dumarating sa atin nang halos palagian sa telebisyon, radyo, Internet, satellite, CD, DVD, at kahit sa mga babasahin. Tiyak na sa pagpapalang ito sinasabi sa atin ng Panginoon na mas kailangan natin ngayon ang mga banal na kasulatan kaysa rati.
Itinuturo sa atin ng banal na kasulatan ang mga alituntunin at kagandahang-asal. Sa banal na kasulatan, natatagpuan natin ang malilinaw na pagpapakita ng mga pagpapalang nagmumula sa pagsunod sa mga tunay na alituntunin.