Pinatatag ng Kanyang Pagmamahal
Ye Kyung Koo, Korea
Nang tanggapin ko ang tungkulin bilang lider ng mga aktibidad ng mga estudyante, lubos akong nabahala. Mahiyain ako at alam ko na mahihirapan akong magplano ng mga aktibidad. Damang-dama ko ang kawalan ng tiwala sa sarili, kaba, at panlulumo.
Dahil sa panlulumo bumaling ako sa Ama sa Langit. “Paano ko po ito magagawa?” pagdarasal ko. “Maliit lang ako at mahina.”
Agad kong narinig ang payapa at mahinang bulong sa aking puso: “Kaya mo iyan, anak. Mahal kita.”
Pinalakas ako ng sagot na iyan ng aking mapagmahal na Ama. Dahil pinalakas ng pahiwatig na iyon, pakiramdam ko ay kaya kong gawin kahit ano. Ang malaman na nagmamalasakit Siya sa akin, na mahal Niya ako, at itataguyod Niya ako ang tanging kailangan ko para magampanang mabuti ang aking tungkulin.
Alam ko na anuman ang ating mga paghihirap, mahal tayo ng Ama sa Langit at pinakikinggan Niya ang ating mga dalangin. Kapag lumapit tayo sa Kanya, maaari tayong tumanggap ng patnubay at panghihikayat habang nagsisikap tayong gampanan ang ating mga tungkulin.