Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay magagamit sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga tagapagsalita ay nakalista nang sunud-sunod ayon sa alpabeto, at ang bilang ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.
Tagapagsalita |
Kuwento |
---|---|
Neil L. Andersen |
(39) Hindi humina ang pananampalataya ng isang pamilya kasunod ng pagkamatay ng kanilang anak. |
Shayne M. Bowen |
(15) Itinuro ni Shayne M. Bowen at ng kanyang missionary companion sa isang pamilya na hindi na kailangang binyagan ang mga batang musmos. |
Linda K. Burton |
(78) Tinulungan ng isang babae si Linda K. Burton nang pumunta siya sa templo sa ikalawang pagkakataon noong bagong-kasal siya. (111) Pumanaw ang asawa at isang anak ng pioneer na si Mary Lois Walker habang tumatawid sa kapatagan. |
Craig C. Christensen |
(12) Nadama ng anim-na-taong-gulang na si Ben Christensen ang Espiritu Santo nang pumunta siya sa isang temple open house. |
D. Todd Christofferson |
(47) Nagtrabaho nang husto ang isang binata sa India para matulungan ang kanyang pamilya at makapag-aral. |
Quentin L. Cook |
(6) Tumangging sumali ang British Olympian na si Eric Liddell sa karera ng takbuhan sa araw ng Linggo. |
Ann M. Dibb |
(10) Tiwalang isinuot ng isang dalagita ang isang T-shirt na nagpapahayag na siya ay miyembro ng Simbahan. |
Larry Echo Hawk |
(32) Natuklasan ng drill instructor ni Larry Echo Hawk ang kanyang kopya ng Aklat ni Mormon. |
Henry B. Eyring |
(60) Inukitan ni Henry B. Eyring ang isang kahoy para sa bawat anak niyang lalaki upang kumatawan sa kanilang mga espesyal na kaloob. (72) Hinanap ng apong babae ni Henry B. Eyring si Jesus sa isang temple open house. (72) Nilisan ni Henry B. Eyring ang Stanford University para magtrabaho sa Ricks College. (72) Nanalangin ang manugang na babae ni Henry B. Eyring sa dalampasigan at inilaan ang kanyang panahon sa Panginoon. |
Robert C. Gay |
(34) Itinanong ng ama ni Robert C. Gay sa kanya kung ipagbibili niya ang kanyang kaluluwa sa halagang singko. (34) Sinunod ni Robert C. Gay ang inspirasyong tulungan ang isang batang lalaking humihikbi sa tabi ng kalsada. |
Daniel L. Johnson |
(101) Dumalo sa templo ang mga Banal sa mga Huling Araw matapos sirain ng bagyo ang kanilang mga pananim na prutas. |
Thomas S. Monson |
(68) Nagulat si N. Eldon Tanner na makita ang apat na lalaki na maorden sa mas mataas na tungkulin sa priesthood. (68) Tumanggap ng inspirasyon si Thomas S. Monson na tumawag ng mga branch president. (68) Nagpatotoo si John H. Groberg sa hari ng Tonga. (86) Sinunod ni Thomas S. Monson ang inspirasyong magmungkahi tungkol sa gawaing misyonero. (86) Sinunod ni Thomas S. Monson ang inspirasyong bisitahin ang isang kaibigan sa ospital. (86) Hinikayat ni Thomas S. Monson ang isang binata na magmisyon. (86) Nasagot ang isang panalangin ng mga kabataan sa isang kultural na pagdiriwang para sa templo. |
Russell M. Nelson |
(18) Tumugon ang isang lalaki sa pahiwatig na “pahintuin … ang mga binatang nagbibisikleta.” |
Russell T. Ogusthorpe |
(96) Tinulungan ng mga kabataang dumadalo sa Sunday School ang dalawang kaklaseng autistic na maibahagi ang kanilang natutuhan. |
Boyd K. Packer |
(75) Tinamaan ng matinding bagyo sa karagatan ang barkong sinakyan ni Boyd K. Packer sa Western Samoa. |
Linda S. Reeves |
(118) Bumaling si Linda S. Reeves sa Diyos nang magkasakit ang kanyang asawa. |
Richard G. Scott |
(93) Nag-index ng 2,000 pangalan ang bawat kabataan sa Russia at nagsumite ng pangalan ng isang ninuno para magawan ng mga ordenansa sa templo. |
Carole M. Stephens |
(115) Nagtulungan ang mga kabataang babae sa isang muling pagsasadula ng pioneer trek. |
Gary E. Stevenson |
(51) Nilisan ng isang estudyante sa kolehiyo ang isang party sa Japan matapos tanggihan ang mga sigarilyong marijuana. |
Scott D. Whiting |
(37) Inayos ng mga kontratista ang dalawang maliit na depekto sa itinatayong Laie Hawaii Temple. |