Mga Bagong Kasangkapang Tumutulong sa mga Miyembro na Maghanda ng mga Pangalan ng mga Kamag-anak
Sa isang liham noong Oktubre 8, 2012, inanyayahan ng Unang Panguluhan ang mga miyembro—lalo na ang mga youth at young single adult—na tumanggap ng lubos na mga pagpapala ng templo sa pamamagitan ng paghahanda ng mga pangalan ng sarili nilang mga kamag-anak na dadalhin sa templo.
Bukod pa rito, yaong may “nakareserbang napakaraming pangalan ng mga kamag-anak [ay hinihikayat] na ibigay kaagad ang mga pangalang ito para maisagawa na ang kailangang mga ordenansa.”
Para matulungang tumugon ang mga miyembro sa panawagan ng Unang Panguluhan, lumilikha ng mga bagong sanggunian at kasanayan ang Simbahan, na matatagpuan sa 10 wika sa familysearch.org.
Halimbawa, isang bagong upgrade sa new.familysearch.org na tinatawag na Family Tree ang nagbibigay ng mas pinahusay na paraan sa paggawa ng ating family history sa pamamagitan ng pagtutulot sa mga user na (1) kumonekta at makipagtulungan sa iba na may ninunong bahagi rin ng pamilya nila, (2) i-edit at i-delete ang mga maling datos, at (3) madaling makapagsumite ng mga pangalan ng mga ninuno para sa mga ordenansa sa templo. Ang mga user ay makakakita rin ng mga video sa “Assigning Names to the Temple” at iba pang training sa familysearch.org/treetraining.