Elder Craig C. Christensen
Ng Panguluhan ng Pitumpu
Nagsimulang maglingkod si Elder Craig C. Christensen bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu noong Agosto 1, 2012, matapos siyang tawagin sa posisyong iyon noong Abril 2012.
Isinilang kina Sheron at Colleen Christensen sa Salt Lake City, Utah, USA, noong Marso 1956, lumaki si Elder Christensen sa hilagang California sa “isang aktibo at mapagkalingang pamilyang LDS.” Binigyang-diin niya na noon pa man ay naniniwala na siya na totoo ang ebanghelyo, subalit mas lumakas ang kanyang patotoo nang magmisyon siya sa Chile.
“Bilang missionary, laging hangarin kong madama ang Espiritu Santo, at lumalim at naging mas tunay ang aking patotoo sa ebanghelyo,” sabi niya. Sa kanyang misyon napamahal sa kanya ang Aklat ni Mormon, na patuloy niyang ginagamit sa kanyang pagtuturo.
Si Elder Christensen ay naging miyembro ng Una at Pangalawang Korum ng Pitumpu mula pa 2002. Kamakailan lamang, naglingkod siya bilang Executive Director ng Priesthood Department. Nakapaglingkod na siya bilang Mexico South Area president, Mexico City East Mission president, bishop, high councilor, at stake mission president.
Si Elder Christensen ay may bachelor’s degree sa accounting mula sa Brigham Young University at master of business administration degree mula sa University of Washington. Siya ang may-ari at nagpapatakbo ng mga negosyo sa mga industriya ng retail automotive at real estate development, at naging visiting instructor sa ilang unibersidad.
Ikinasal si Elder Christensen kay Debora Jones noong Marso 28, 1978. Naninirahan sila ngayon sa Holladay, Utah, at sila ay may apat na anak at limang apo.