Ang Panunumbalik ng Simbahan ay nagsimula noong binisita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo si Joseph Smith noong 1820. Pagkatapos niyon, nangyari ang iba pang mga mahahalagang bagay upang maibalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa. Basahin ang mga kard na ito, gupitin ang mga ito, idikit ang mga ito sa papel, at maglaro ng pagtutugma.
Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith …
… kaya alam ko na mayroon Silang mga katawan tulad ko!
Isinalin ni Joseph Smith ang mga laminang ginto …
… kaya mababasa ko ang Aklat ni Mormon!
Iginawad ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery …
… kaya mabibinyagan ako sa Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw!
Ipinanumbalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood …
… kaya magkakaroon ako ng kaloob na Espiritu Santo!
Itinatag ang Simbahan noong Abril 6, 1830 …
… kaya makapagsisimba ako!
Nagtipon si Emma Smith ng mga awit para sa unang himnaryo ng Simbahan …
… kaya makakanta ko ang mga himno!
Sa Kirtland Temple, ibinigay ni Elijah kay Joseph Smith ang mga susi sa pagbubuklod ng mga pamilya …
… kaya makagagawa ako ng family history at makapupunta sa templo!
Iniutos ng Panginoon sa mga Banal noon na ibigay ang kanilang ikasampung porsyento bilang kanilang ikapu …
… kaya makapaghahandog ako ng ikapu at mga handog-ayuno!
Sinimulan ni Aurelia Rogers ang Primary Association para turuan ang mga bata sa kanyang lugar …
… kaya makapupunta ako sa Primary!