Ano, Bakit, at Paano: Isang Paglalarawan sa Panunumbalik
April 2018
Ano, Bakit, at Paano: Isang Paglalarawan sa Panunumbalik
Ni Faith Sutherlin Blackhurst
Mga Magasin ng Simbahan
Upang maituro ang ebanghelyo, kakailanganin mong maipaliwanag kung ano ang apostasiya, mga dispensasyon, at ang Panunumbalik. Makatutulong ang tsart na ito.
Ipalagay nating ikaw ay nasa isang linggong bakasyon sa dalampasigan kasama ang pamilya ng iyong kaibigan. Naging napakasaya mo, subalit nagsisimula ka nang mangulila sa iyong pamilya. Pagkatapos ay nag-text sa iyo ang tatay mo upang kumustahin ka—iyon mismo ang kailangan mo upang madamang minamahal at naaalala ka.
Ang buhay sa daigdig ay parang ganyan. Ang Diyos ay hindi nagpapadala sa atin ng mga text, subalit malayo tayo sa ating tahanan sa langit, kaya isang paraan ng Ama sa Langit na maiparating ang Kanyang pagmamahal sa atin ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga propeta.
Dispensasyon
Namumuno ang mga propeta sa tinatawag na mga dispensasyon, mga panahon kung kailan (1) ang Diyos ay may hindi bababa sa isang awtorisadong pinuno sa priesthood sa daigdig at (2) ang pinunong ito, isang propeta, ay natututuhan ang plano ng kaligtasan mula mismo sa Diyos. Pagkatapos ay itinuturo, o idinidispensa, ng propeta ang ebanghelyo sa mga tao.
Salamat sa mga banal na kasulatan, alam natin ang tungkol sa marami sa mga dispensasyong ito. Ilan sa mahahalagang dispensasyon ang kanila Adan, Enoc, Noe, Abraham, Moises, Jesucristo, at Joseph Smith. Ang Panginoon ay nagpasimula ng dispensasyon sa pamamagitan ng bawat propetang iyan.
Apostasiya
Apostasiya=kasamaan. Kapag ang isang tao o grupo ay tumatalikod mula sa mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo, tinatanggihan ang mga propeta, at nahuhulog sa kasalanan, nag-aapostasiya sila.
Panunumbalik
Ang panunumbalik ay isang gawain ng pagbabalik ng isang bagay sa orihinal nitong kalagayan. Ito ay hindi isang repormasyon, na nagbabago ng isang bagay na naroroon na upang gumawa ng isang bagong bagay. Halimbawa, kung nais ninyong magpanumbalik ng isang lumang bahay, kailangan ninyong magpatayo muli gamit ang parehong layout tulad ng orihinal nito. Maaaring naisin ninyong magdagdag ng bagong tsiminea, ngunit babaguhin ninyo ang bahay, hindi panunumbalik.
Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay kinailangang ipanumbalik dahil nawala ito noong Malawakang Apostasiya. Nabuhay ang mga tao nang ilang siglo nang walang totoong Simbahan. Kaya ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang Simbahan at ebanghelyo sa pamamagitan ni Joseph Smith, tulad ng ipinropesiya ng sinaunang mga propeta (tingnan sa Isaias 2:1–3; 29:13–14; Mga Gawa 3:19–21; Apocalipsis 14:6–7; 2 Nephi 3:3–15).
Ang tunay na ebanghelyo ni Jesucristo ay narito upang manatili—kaya mananatili ka ba rito? Bagama’t ang daigdig ay lalong nagiging mas masama, mananatili ang Simbahan ni Jesucristo hanggang sa huli.
Mayroon kayong gagawing pagpili—ang parehong pagpiling hinarap ng mga tao mula sa simula ng kasaysayan: susundin ba ninyo ang propeta? Kung gagawin ninyo, pagpapalain kayo at matatamo ninyo ang Espiritu upang gabayan kayo.