Sapateriya ni Abuelo
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
“Alam mo, kailangan nating maging higit na katulad ng sapatos na ito,” sabi ni Lolo.
“‘Pasensya’ ay hindi laging madaling sabihin” (Children’s Songbook, 98).
Binuksan ni Miguel ang pinto papasok sa sapateriya ng kanyang abuelo (kanyang lolo). Naamoy niya ang katad na pinagkakaabalahan ni Abuelo. Isa iyon sa kanyang paboritong mga amoy.
“Kumusta, Abuelo!”
Nakaluhod si Abuelo at binabakas ang paa ng isang kustomer sa isang pirasong papel. Hindi siya lumingon. Hindi maganda ang pandinig ni Abuelo.
Umupo si Miguel sa isang bangko. Tumingin siya sa patung-patong na mga katad. Inisip niya kung ano ang gagawin ni Abuelo sa bawat isa, gamit ang kanyang martilyo at plais.
Ang mga gamit ay nagpaalala kay Miguel ng isang bagay pang mahal niya. Palagi siyang binibigyan ni Abuelo ng kendi kapag tumutulong si Miguel na maglinis.
Pero gutom na si Miguel ngayon! Alam niya na hindi siya dapat kumuha ng kendi nang hindi nagpapaalam, subalit tila magiging abala pa si Abuelo nang ilang sandali. “Siguro ay hindi ko kailangang maghintay,” inisip ni Miguel.
Inabot ni Miguel sa ilalim ng counter ang garapon ng kendi. Puno ito ng kanyang paboritong kendi—matamis at maanghang na may chili powder! Nang buksan niya ito, naasiwa nang kaunti si Miguel. Subalit parang ang sarap-sarap ng kendi. Nagmadali siya at isinubo ito.
Pagkatapos ay umalis na kaagad ang kustomer. Dumampot si Abuelo ng isang pirasong katad at inilubog ito sa kaunting tubig. Nakakatulong iyon na pagpapanatiling malambot at madaling gamitin ang katad.
Kinain ni Miguel ang natirang kendi nang kasimbilis ng makakaya niya. Pagkatapos ay nilapitan niya si Abuelo.
“Kumusta!” Nakangiting sinabi ni Abuelo. “Masaya ako na pinuntahan mo ako.”
Inakap ni Miguel si Abuelo. Umasa siyang hindi mapapansin ni Abuelo na kumain siya ng isang pirasong kendi. Kinalimutan ni Miguel ang pag-aalala.
“Mukhang abala po kayo ngayon,” sabi ni Miguel, tinuturo ang patung-patong na leather. “Kailangan po ba ninyo ng tulong?”
“Sige! Puwede mo bang iabot sa aking ang sinulid?”
Inabot ni Miguel ang mahabang piraso ng sinulid. Binatak niya ito gamit ang kanyang mga kamay. Mas matibay ito kaysa sa itsura nito.
“Wow, ang tibay.”
Natawa si Abuelo. “Dapat lang, para makayanan nito ang pahirap at pagpunit ng buhay.” Hinatak ni Abuelo ang sinulid palabas ng leather. Pagkatapos ay nag-iba ang itsura ng kanyang mukha at naging katulad ng kung minsan ay tinawatag ni Mamá na ang itsurang “Matalinong Abuelo.”
“Alam mo, kailangan nating maging mas katulad ng sapatos na ito,” sinabi ni Abuelo nang patango.
Tiningnan ni Miguel ang leather. “Um. Totoo po?”
“Oo. Kailangan nating manatiling matatag. Sa paraang iyon ay hindi tayo mawawasak ng mga tukso ni Satanas.”
Naalala ni Miguel ang pulang kendi. Alam niya na dapat niyang sabihin kay Abuelo ang tungkol dito.
Kumuha si Abuelo ng isang lumang sapatos sa estante. “Nakikita mo ang malaking butas na ito?”
Tila magkakasya ang kamay ni Miguel sa butas. “Opo.”
“Dati ay maliit na butas lang ito na maaaring madaling maayos. Subalit naghintay sila, at ngayon ay mas mahirap na itong ayusin. Ang masasamang gawi at pagpili ay parang ang butas na iyan. Mas magandang maayos ito nang maaga.”
Tumango ulit si Abuelo, at ang itsurang Matalino Abuelo ay ngumiti. Patuloy silang nag-usap habang nagtatrabaho si Abuelo. Sa buong pagkakataong iyon, iniisip ni Miguel ang tungkol sa pulang kendi.
Nang matapos si Abuelo, tinulungan siya ni Miguel na maglinis. Pagkatapos ay dinampot ni Abuelo ang kanyang garapon ng kendi.
Sa huli ay hindi na ito makayanan ni Miguel. “Kinuha ko ang isa sa mga kendi mo!” inamin niya.
Ibinaba ni Abuelo ang garapon. “Ano iyon?”
Sinabi ni Miguel sa kanya ang tungkol sa pagkuha ng kendi nang hindi nagpapaalam. “Pasenya po talaga, Abuelo! Hindi ko na po iyon gagawin ulit, pangako po!”
Niyakap ni Abuelo si Miguel nang mahigpit. Lubhang mas mabuti ang nadama ni Miguel.
“Salamat sa pagiging tapat mo. Mas mahalaga iyon sa akin kaysa sa ano pang ibang bagay.”
Sa paglalakad pauwi, nadama ni Miguel na tulad siya ng isa sa mga bagong pares ng sapatos ni Abuelo. Ganap na matibay, at handa para sa buhay!