2021
Ang Talinghaga tungkol sa Taong Maharlika: Isang Aral sa Pagsunod
Setyembre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang Talinghaga tungkol sa Taong Maharlika: Isang Aral sa Pagsunod

Doktrina at mga Tipan 101

Ang Doktrina at mga Tipan 101:43–62 ay naglalahad ng isang talinghaga na ibinigay upang ipaliwanag kung bakit pinalayas ang mga Banal sa Missouri.

Sa talinghaga, ang mga tagapaglingkod ay nagsimulang magtayo ng tore ngunit pagkatapos ay nagpasiya sila na “walang paggagamitan” nito (Doktrina at mga Tipan 101:49). Ngunit dahil hindi nila itinayo ang tore, walang nagbabala sa kanila nang dumating ang kaaway at sinira nito ang olibohan.

illustrations from parable of the nobleman

Isang taong maharlika ang nag-utos sa kanyang mga tagapaglingkod na magtanim ng mga puno ng olibo at maglagay ng bakod sa palibot ng mga puno at magtayo ng tore upang makita ng isang bantay ang buong lupain.

Ang mga tagapaglingkod ay nagtanim ng mga puno ng olibo at naglagay ng bakod ngunit nagpasiyang huwag magtayo ng tore.

Isang di-inaasahang kaaway ang sumira sa olibohan.

Mga paglalarawan ni Ben Simonsen

Pinag-aalinlanganan ko ba ang mga kautusan ng Diyos?

Kayo rin ba, tulad ng mga tagapaglingkod, ay nag-aalinlangan kung talagang mahalaga ang isang kautusan? Itinuturo sa atin ng talinghagang ito na ang mga kautusan ng Panginoon ay nagpoprotekta at tumutulong sa atin na mamuhay nang maligaya (tingnan din sa Mosias 2:41; Doktrina at mga Tipan 82:8–10).

Ano ang dapat nating gawin kapag hindi natin nauunawaan na kailangan ang kautusan?

  • Pag-aralan ang paksa at ipagdasal na tulungan tayo ng Panginoon na “[madama] na ito ay tama” (Doktrina at mga Tipan 9:8).

  • Alalahanin ang mga nangyari noon kung saan ang pagsunod ay nagdulot ng mga pagpapala.1

  • Kumilos nang may pananampalataya, nagtitiwala na makauunawa tayo “[matapos] ang pagsubok sa [ating] pananampalataya.” (Eter 12:6).

article on parable of the nobleman

Tala

  1. Tingnan sa Neil L. Andersen, “Mga Alaala na Espirituwal na Nagpapatibay,” Liahona, Mayo 2020, 18–22.