Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Anong mga Pagpapala ang Natatanggap ng Taong may Dalisay na Puso?
Sa mga bahaging ito ay malalaman natin ang tungkol sa utos ng Panginoon sa naunang mga Banal na magtayo ng templo.
“[Ang] may Dalisay na Puso … ay Makikita ang Diyos”
Sa bahagi 97, nangako ang Panginoon na kung magtatayo ang mga Banal ng templo at pananatilihin itong dalisay, “lahat ng may dalisay na puso na papasok dito ay makikita ang Diyos” (talata 16). Matapos banggitin ang talatang ito sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya, sinabi ni Elder David B. Haight (1906–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Totoo na talagang nakita ng ilan ang Tagapagligtas, pero kung titingnan ng isang tao ang diksyunaryo, malalaman niya na marami pang ibang kahulugan ang salitang makita, tulad ng makilala Siya, mahiwatigan Siya, kilalanin Siya at [malaman] ang Kanyang gawain, malaman ang Kanyang kahalagahan, o maunawaan Siya.
“Ang gayong kaliwanagan at mga pagpapala mula sa langit ay [matatamo ng] bawat isa sa atin.”1
Sa paanong mga paraan ninyo nakita na ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa templo?
Aktibidad sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga banal na kasulatang ito ay naglalarawan ng ilan sa iba pang mga pagpapala na dumarating sa mga may dalisay na puso:
Talakayan
Ano ang lubos na pinasasalamatan ninyo tungkol sa pagdalo sa templo?