Buhay na Simbahan, mga Buhay na Propeta
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang “buhay na simbahan” (Doktrina at mga Tipan 1:30) na ginagabayan ng isang makabagong propeta. Tumatanggap siya ng paghahayag mula sa Diyos upang pamahalaan ang buong Simbahan. Narito ang ilang halimbawa ng inspiradong tagubiling ibinigay ng mga Pangulo ng Simbahan:
Joseph Smith
1830: Tumanggap si Propetang Joseph ng paghahayag na dapat magtipon ang Simbahan sa mga kumperensya. Ang unang pangkalahatang kumperensya ay ginanap noong Hunyo.
Brigham Young
1849: Ibinalita ni Pangulong Young ang Perpetual Emigrating Fund sa pangkalahatang kumperensya. Nakatulong ito kalaunan sa mga 30,000 Banal na makarating sa Lambak ng Salt Lake.
John Taylor
1878: Inorganisa ni Pangulong Taylor ang Primary, na tumutulong na maituro sa mga bata ang tungkol sa ebanghelyo.
Wilford Woodruff
1890: Inilahad ni Pangulong Woodruff ang Pahayag sa Ika-59 na Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya (tingnan sa Opisyal na Pahayag 1).
Lorenzo Snow
1899: Ibinahagi ni Pangulong Snow ang kanyang paghahayag tungkol sa ikapu sa mga kumperensya ng Simbahan.
Joseph F. Smith
1918: Si Pangulong Smith, isang araw matapos matanggap ang kanyang pangitain tungkol sa pagtubos sa mga patay, ay nagpahayag sa pangkalahatang kumperensya na “nakakausap [niya] ang Espiritu ng Panginoon.”
Heber J. Grant
1936: Ibinalita ni Pangulong Grant ang Church Security Plan upang hikayatin ang pagtatrabaho at pagiging self-reliant.
George Albert Smith
1946: Ipinropesiya ni Pangulong Smith na hindi magtatagal ay maibabahagi na ang ebanghelyo sa mga tao sa malalayong lugar sa mundo sa pamamagitan ng teknolohiya.
David O. McKay
1959: Itinuro ni Pangulong McKay na “bawat miyembro ay misyonero.”
Joseph Fielding Smith
1970: Itinalaga ni Pangulong Smith ang Lunes bilang araw para sa family home evening.
Harold B. Lee
1973: Ibinalita ni Pangulong Lee na ang Welfare Services Department ang mangangasiwa sa mga gawaing pangkawanggawa.
Spencer W. Kimball
1978: Ang paghahayag ni Pangulong Kimball tungkol sa priesthood ay inilahad para sa pagtanggap ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya.
Ezra Taft Benson
1986: Inihayag ni Pangulong Benson ang hangarin ng Panginoon na pagtuunan ang Aklat ni Mormon bilang sentro ng pag-aaral ng ebanghelyo.
Howard W. Hunter
1994: Hiniling ni Pangulong Hunter sa lahat ng miyembro na maging karapat-dapat na magtaglay ng temple recommend.
Gordon B. Hinckley
1998: Ibinalita ni Pangulong Hinckley na magtatayo ang Simbahan ng mas maliliit na templo sa mas maraming lugar.
Thomas S. Monson
2012: Ibinaba ni Pangulong Monson ang edad na kailangan para sa mga missionary, 18 para sa kalalakihan at 19 para sa kababaihan.
Russell M. Nelson
2020: Inihayag ni Pangulong Nelson ang pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik sa Ika-190 Taunang Pangkalahatang Kumperensya.