2021
Paggalang para sa Lahat ng Anak ng Diyos
Setyembre 2021


Welcome sa Isyung Ito

Paggalang para sa Lahat ng Anak ng Diyos

women sitting in circle enjoying sharing stories in group meeting

Hinikayat tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na “palawakin ang ating pagmamahalan upang yakapin ang buong pamilya ng sangkatauhan” (Teachings of Russell M. Nelson [2018], 83). Sa napakaraming pagkakaiba-iba ng mga anak ng Diyos, paano tayo makalilikha ng isang komunidad kung saan namumuhay ang lahat ng tao nang may pagkakasundo?

Sa kanyang artikulo na “Ilabas ang Sion” (pahina 6), inanyayahan tayo ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol na pagkaisahin ang ating puso’t isipan sa pag-anyaya natin sa lahat na lumapit kay Cristo. Ang “Pagdaig sa Rasismo at Masasamang Palagay: Makapagtatayo Tayo ng mga Tulay” (pahina 38) ay makatutulong sa ating pagsisikap na maging isa. Siyempre, ang pagiging isa ay nagsisimula sa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa ating Ama sa Langit. Alamin ang iba pa sa “Mga Tipan, Ordenansa, at mga Pagpapala” ni Elder Randy D. Funk ng Pitumpu (pahina 30).

Hindi lamang isang kautusan ang paglikha ng pagkakaisa sa ating pagkakaiba-iba (tingnan sa Juan 17:21; Doktrina at mga Tipan 38:27), kundi isang pagkakataon din ito para matuto tayo mula sa at mapagpala ng ating mga kapatid na may ibang mga kultura, etnisidad, at karanasan. Umaasa kami na ang isyu sa buwang ito ay makatutulong sa ating lahat na mamuhay nang mas nagkakaisa kay Cristo.

Tapat na sumasaiyo,

Elder Walter F. González

Ng Pitumpu

Tagapayo ng Liahona