“Dublin, Republic of Ireland,” Liahona, Abr. 2022.
Narito ang Simbahan
Dublin, Republic of Ireland
Ang River Liffey ay dumaraan paikot sa Dublin patungo sa Irish Sea. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nasa Dublin na simula pa noong 1850, at ang unang stake sa Republic of Ireland ay nilikha sa Dublin noong 1995. Ngayon sa bansang ito, ang Simbahan ay may:
-
4,000 miyembro (humigit-kumulang)
-
1 stake, 1 district, 13 kongregasyon
-
3 family history center
Pinagkakaisa ng Panalangin ang mga Pamilya
Sa lungsod ng Limerick, si Tommy Kelly, ang pamangkin niyang si Emma, at iba pang mga kapamilya ay nagsama-sama sa panalangin. “Palaging nadarama ng aming pamilya na mas nagkakaisa kami kapag sama-sama kaming nagdarasal,” sabi ni Tommy.