2022
Kung Saan Ako Nakahanap ng Aliw
Abril 2022


“Kung Saan Ako Nakahanap ng Aliw,” Liahona, Abr. 2022.

Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw

Kung Saan Ako Nakahanap ng Aliw

Nang kumanta ang mga ministering brother ko, napalakas nila ang aking patotoo na nauunawaan, minamahal, at hinding-hindi ako iiwan ng Tagapagligtas.

isang nakabuklat na himnaryo

Nang mag-asawa ako, hindi ko naisip kailanman na ang salitang diborsyo ay magiging bahagi ng aking personal na kasaysayan. Pero sa kabila ng aking mga pagsamo at pinakamalalaking pagsisikap na isalba ang aming relasyon, umalis ang asawa ko at nagwakas ang aming pagsasama. Pakiramdam ko ay bigo ako.

Nasundan ito ng matinding pasakit, kahihiyan, at nasirang mga pangarap. Noon lang ako nakaranas ng malaking kawalan o dalamhati.

Sa gitna ng aking kalungkutan, binisita ako ng aking mga ministering brother. Inaliw nila ako at binigyan ng basbas. Pagkatapos, sa malalim nilang tinig, kinantahan nila ako ng isang himnong hindi pamilyar sa akin. Para sa akin sa mahirap na sandaling iyon, iyon ang pinakamaganda at nakaaaliw na himnong narinig ko sa lahat. Kinanta nila:

Sa’n naro’n ang aking

Kapayapaan?

Kung ang ginhawa’y ‘di ko matagpuan?

Kung puso’y may sugat, galit o dusa,

At nagninilay nang

nag-iisa? …

Sa’n naro’n ang palad na may pag-alo?

At may pag-unawa?

Tanging sa Diyos. 1

Hindi ko napigilang mapaiyak sa mga titik at himig. Pinagtibay nito sa akin, at pinalakas ang aking patotoo, na totoong naunawaan, minahal, at hindi ako iiwang mag-isa ng Tagapagligtas sa aking kalungkutan.

Dahil sa naranasan ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, nauunawaan Niya ang ating damdamin. Gaano man kahirap ang sitwasyong kinakaharap natin, alam Niya ang ating kalungkutan. Nagdusa Siya para sa atin. (Tingnan sa Alma 7:11–12.)

Pagkatapos kumanta ng mga ministering brother ko, naalala ko ang mga salitang ginamit ni Isaias para ilarawan ang Tagapagligtas: “Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan. … At sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (Isaias 53:4–5).

Matitiyak natin na nauunawaan tayo at minamahal ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, at lalagi Siya sa ating tabi—maging sa pinakamatitindi nating kalungkutan.