2022
Binibigyan Tayo ng Tagapagligtas ng Pag-asa
Hunyo 2022


“Binibigyan Tayo ng Tagapagligtas ng Pag-asa,” Liahona, Hunyo 2022.

Welcome sa Isyung Ito

Binibigyan Tayo ng Tagapagligtas ng Pag-asa

mga tao sa isang miting ng grupo

Larawang mula sa Getty Images

Bilang therapist, palagi akong tinatanong, “Gusto mo ba talaga ang trabaho mo? Hindi mo ba kailangang marinig ang tungkol sa sakit, kawalan, at dalamhati?” Bagama’t totoo na naglalakad ako sa kadiliman kasama ang mga tinutulungan ko, hindi kami nananatili roon. May pribilehiyo akong panoorin ang pagbabago ng kanilang buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na si Jesucristo, lalo na ang mga nasa addiction recovery program (tingnan sa pahina 12).

Bagama’t marami sa mga hamon na kinakaharap natin ay maaaring mahirap, binibigyan tayo ng Tagapagligtas ng pag-asa—pag-asa na makasusumpong tayo ng kapayapaan sa gitna ng ating mga paghihirap at pag-asa na maaari tayong gumaling at magaganap ito.

Ang isang paraan na tinutulungan tayo ng Panginoon na makasumpong ng kapayapaan at kaligtasan ay sa pamamagitan ng Kanyang propeta (tingnan sa pahina 4). Sa pamamagitan niya, ang Panginoon ay nagbibigay ng payo at patnubay tungkol sa mga hamong kinakaharap ng bawat isa sa atin sa ating panahon. Ako mismo ay napagpala sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ni Pangulong Russell M. Nelson nang hikayatin niya tayong dagdagan ang ating kakayahang tumanggap ng paghahayag, hayaang manaig ang Diyos sa ating buhay, at magkaroon ng kagalakan sa araw-araw na pagsisisi.

Ngayon higit kailanman, kailangan natin ang patnubay ng Panginoon para madaig at makayanan ang maraming hamon na kinakaharap natin. Anumang hamon ang kinakaharap ninyo, dalangin ko na makasumpong kayo ng pag-asa sa Tagapagligtas at madama ang Kanyang pagmamahal sa inyo.

Benjamin Erwin

Addiction Recovery Program Manager