2022
San Juan, Puerto Rico
Hunyo 2022


“San Juan, Puerto Rico,” Liahona, Hunyo 2022.

Narito ang Simbahan

San Juan, Puerto Rico

world map with circle around Puerto Rico
tanawin ng San Juan, Puerto Rico

Ang makukulay na bahay ng mga kapitbahayan ng La Perla ay nagbibigay-buhay sa baybaying Atlantiko ng Old San Juan. Ang unang meetinghouse ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Puerto Rico ay binuksan noong 1970. Ngayon ang teritoryong ito ng US ay mayroong:

  • 23,400 na mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 5 stake, 1 mission, 39 kongregasyon

  • 8 family history center, 1 templo (kasalukuyang itinatayo)

Nakasentro sa Tahanan, Suportado ng Simbahan

isang ina na hinahagkan ang kanyang anak na babae

Sa Carolina, isang karatig na lungsod ng San Juan, binigyan ni Lemsy Santana de Aguayo ng halik ang kanyang anak na babae. “Nakasentro ang Simbahan sa pamilya,” sabi ni Lemsy. “Pero sinusuportahan tayo nito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga miyembro na sama-samang matuto at palakasin ang isa’t isa.”