Institute
Lesson 15: Gawain sa Templo at Family History


15

Gawain sa Templo at Family History

Pambungad

Maaaring isulong ng mga prospective at full-time missionary ang gawain ng kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa gawain sa templo at family history at pagtulong sa iba na maranasan ang mga pahiwatig ng Espiritu na kaakibat ng gawaing ito. Ang family history ay maaaring maging mabisang paraan sa paghahanap ng matuturuan at pagpapalakas ng pananampalataya ng mga bagong binyag at di-gaanong aktibong miyembro. Ang partisipasyon sa gawain sa family history ay nagbabaling sa puso ng mga tao sa kanilang mga ninuno at sa Panginoon. Ang family history ay isang kasangkapan na magagamit ng mga missionary sa pag-imbita sa iba na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mga ordenansa ng kaligtasan.

Paunang Paghahanda

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Kahalagahan ng Endowment sa Templo

Magdispley ng larawan ng isang kalapit na templo, at basahin ang sumusunod na sipi mula kay Pangulong Howard W. Hunter:

Pangulong Howard W. Hunter

“Ihanda natin ang bawat missionary na magpunta sa templo nang karapat-dapat at gawin nating mas maganda pa ang karanasang iyon kaysa pagtanggap ng mission call” (“Follow the Son of God,” Ensign, Nob. 1994, 88).

Bilang pagbibigay-diin, maaari ninyong muling basahin ang sipi at pagkatapos ay itanong sa mga estudyante:

  • Sa paanong paraan ang pagpunta sa templo ay “mas magandang karanasan” kaysa pagtanggap ng mission call? (Maaaring kasama sa mga sagot ang sumusunod: samantalang ang misyon ay pansamantala lamang, ang mga tipang ginagawa natin sa templo ay walang hanggan; ang mga pagpapala ng templo ay magdudulot ng kapangyarihan sa karapat-dapat na mga missionary.)

Ipabasa sa isang estudyante ang unang talata sa ilalim ng “Mga Templo at Family History” sa pahina 95 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin sa loob ng templo?

  • Paano matutulungan ng mga pagpapalang ito ang isang taong nagsisikap na lumapit kay Cristo?

Para makita kung paano pinagpapala ang mga missionary sa pagdalo sa templo bago magmisyon, hilingin sa klase na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 109:22–23, at ipaliwanag na ang mga talatang ito ay bahagi ng panalangin ng paglalaan para sa Kirtland Temple. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talata habang sinusundan ng klase, na hinahanap ang mga pagpapala ng templo na natatanggap ng mga lingkod ng Panginoon. Pagkatapos ay tulungan ang mga estudyante na matukoy ang isang alituntuning itinuro sa mga talatang ito sa pagtatanong nito:

  • Paano nakatutulong ang mga talatang ito sa inyo na maunawaan kung bakit napakahalaga sa mga missionary na matanggap ang mga pagpapala ng templo bago umalis papuntang misyon? (Ang mga sagot ng mga estudyante ay maaaring ibuod ng alituntuning ito: Sa pagtanggap ng mga pagpapala ng templo ang mga missionary ay nakakahayo sa daigdig nang may banal na tulong at kapangyarihan. Isiping isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Panoorin ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Elder Jeffrey R. Holland

“Napakahalagang maunawaan ninyo na ang pagpunta sa templo para sa sarili ninyong endowment … ay mahalagang bahagi ng inyong paghahanda sa misyon. … [Dapat ninyong] maunawaan ang kahalagahan ng mga tipan sa templo [at] ang hindi mapaghihiwalay na pagkakaugnay ng inyong endowment doon at ng inyong tagumpay bilang missionary. Sa katunayan, ang salitang endowment ay nagpapahiwatig ng diwa ng mahalagang pagkakaugnay na iyon. Ang endowment ay isang kaloob. …

“Alam ninyong hindi ninyo magagawa ang gawaing ito nang mag-isa. Kailangan natin ang tulong ng langit; kailangang mapasaatin ang mga kaloob ng Diyos. … Napakabigat ng gawaing ito at napakatindi ng pagsalungat dito ng kalaban kung kaya’t kailangan natin ang bawat banal na kapangyarihan upang mapaigi ang ating pagsisikap at patuloy na maisulong ang Simbahan” (“Keeping Covenants: A Message for Those Who Will Serve a Mission,” New Era, Ene. 2012, 3–4).

Itanong:

Ipaliwanag na bago tanggapin ang endowment sa templo, kailangang tumanggap ang mga karapat-dapat na miyembro ng temple recommend mula sa kanilang mga local priesthood leader. Pagkataos ay idispley ang sumusunod na pahayag at hilingin sa isang estudyante na basahin ito nang malakas sa klase:

“Ang temple recommend ay nangangahulugang tayo ay napatunayang karapat-dapat sa pamamagitan ng pag-interbyu ng isang miyembro ng ating bishopric o ng branch president at ng pag-interbyu rin ng isang miyembro ng ating stake presidency o ng mission presidency. Ang mga interbyu para sa temple recommend ay mga pagkakataon para masuri natin kung karapat-dapat tayo. Sa bawat interbyu, tatanungin tayo ng ating mga priesthood leader tungkol sa ating sariling pag-uugali at pananampalataya. Pinananatiling pribado at kumpidensyal ng ating mga priesthood leader ang mga interbyung ito. …

“Ang sumusunod ay ilan sa mga paksang itatanong sa inyo ng inyong mga priesthood leader:

  1. Ang iyong patotoo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo.

  2. Kung sinasang-ayunan mo ang Pangulo ng Simbahan.

  3. Kung ipinamumuhay mo ang batas ng kalinisang-puri, nagbabayad ng ikapu, tapat sa pakikitungo sa iba, at sinusunod ang Word of Wisdom.

  4. Kung sinisikap mong magsimba, tinutupad ang mga ginawa mong tipan, at pinananatiling nakaayon ang iyong buhay sa mga kautusan ng ebanghelyo” (“Pagiging Karapat-Dapat na Pumasok sa Templo,” Ensign, Ago. 2010, 8–9; o Liahona, Ago. 2010, 12–13).

  • Sa paanong paraan nakatutulong sa inyo ang mga requirement sa pagiging karapat-dapat na maunawaan ang kasagraduhan ng templo at ng iyong tungkulin bilang missionary?

  • Kung hindi napakasagrado o personal ng mga ito, anong mga karanasan ang maibabahagi ninyo na nakatulong sa inyo na maunawaan at madama ang kahalagahan ng templo at ng gawaing ginagawa roon?

Sabihin sa mga estudyante na isaisip kung ano ang kailangan nilang gawin upang karapat-dapat na matanggap ang kanilang endowment sa templo.

Bago magpatuloy, maaari mong ituro sa iyong mga estudyante na bilang mga missionary dapat nilang gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya para mahikayat ang mga bagong binyag na maghanda sa pagpasok sa templo. Ang mga bagong binyag na nagpupunta sa templo para magsagawa ng binyag para sa kanilang mga ninuno ay malamang na manatiling aktibo at magpunta sa templo kalaunan para tanggapin ang kanilang endowment sa templo at sealing. Tapusin ang bahaging ito ng lesson sa pagbibigay ng iyong patotoo tungkol sa templo at sa espirituwal na lakas na natanggap mo sa pagsamba doon.

Ang plano ng Diyos na Tubusin ang mga Patay

Ipaalala sa mga estudyante na pagkamatay ni Jesucristo, dinalaw Niya ang daigdig ng mga espiritu (tingnan sa 1 Pedro 3:18–20; 4:6). Pagkatapos ay hilingin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 138:29–35. Ipaliwanag na ang bahaging ito ay naglalaman ng pangitain ni Pangulong Joseph F. Smith tungkol sa daigdig ng mga espiritu. Imbitahin ang ilang estudyante na magpalitan sa pagbasa nang malakas sa mga talata. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang ginawa ng Tagapagligtas para maorganisa ang pangangaral ng ebanghelyo sa mga namatay na nasa daigdig ng mga espiritu?

  • Paano tayo tinutulungan ng mga talata 33–35 na maunawaan ang paraan ng pagtanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan ng mga tumanggap sa ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu? (Ang mga tatanggap sa mensahe ng ebanghelyo ay magagawan ng nakapagliligtas na mga ordenansa.)

Sabihan ang ilang estudyante na magpalitan sa pagbasa nang malakas sa huling dalawang talata sa bahaging “Mga Templo at Family History” sa mga pahina 95–96 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

  • Paano nagbibigay ng pagkakataon ang plano ng Panginoon sa mga taong namatay nang hindi natatanggap ang mahahalagang ordenansa ng ebanghelyo? (Maaaring isagawa ng mga nabubuhay ang nakapagliligtas na mga seremonya para sa mga pumanaw na.)

Ang Misyon ni Elijah

Ipaliwanag na si Elijah ay propeta ng Lumang Tipan na nabuhay noong mga 900 B.C. Ang propetang si Malakias ay nagpropesiya na si Elijah ay babalik sa lupa (tingnan sa Malakias 4:5–6), at nang magpakita si Moroni kay Joseph Smith noong 1823, inulit niya na si Elijah ay magbabalik. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39 habang sumasabay ang klase, na hinahanap ang itinuro ni Moroni tungkol kay Elijah. Itanong:

  • Ano ang nalaman ni Joseph Smith tungkol kay Elijah? (Bagama’t maaaring gumamit sila ng iba’t ibang salita, dapat maunawaan ng mga estudyante na bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, si Elijah ay magbabalik sa lupa at ibabaling ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama.)

  • Ano ang ibig sabihin ng babaling ang mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama? (Ang mga indibiduwal ay magiging interesado at mag-aalala para sa walang-hanggang kapakanan ng kanilang mga pamilya noon, ngayon, at sa hinaharap. Ang interes na ito ay bahagi ng humihikayat sa tao na saliksikin ang mga rekord ng kanilang kaanak na yumao na at makibahagi sa nakapagliligtas na mga ordenansa para sa kanila.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na isang linggo matapos ilaan ang Kirtland Temple noong 1836, may mga espesyal na pangyayari na naganap na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 110. Anyayahan ang isang estudyante na basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 110:13–16 habang sinusundan ito ng klase, na hinahanap ang mga ibinalik ni Elijah sa lupa. Itanong sa mga estudyante:

  • Anong mga susi ang ipinanumbalik ni Elijah kay Joseph Smith? (Kung kinakailangan, anyayahan ang mga estudyante na tingnan ang Doktrina at mga Tipan 110:16, footnote a, para tulungan silang maunawaan na ipinanumbalik ni Elijah ang mga susi ng pagbubuklod ng priesthood.)

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano pinagpapala ng mga susi ng pagbubuklod ng priesthood ang mga pamilya, hilingin sa isang estudyante na basahin nang malakas ang unang talata sa bahaging may pamagat na “Walang Hanggang Kasal” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 94. Pagkatapos ay itanong:

  • Ayon sa talatang ito, ano ang layunin ng mga susi ng pagbubuklod na ipinanumbalik ni Elijah sa lupa? (Maaaring gumamit ang mga estudyante ng iba’t ibang salita, pero dapat matukoy nila ang doktrinang ito: Sa pamamagitan ng mga susi ng pagbubuklod ng priesthood, maaaring isagawa sa mga templo ang mga sagradong ordenansa na nagbibigkis sa mga pamilya sa kawalang-hanggan.)

  • Paano napagpala ng mga susing ito kayo, ang inyong pamilya, ang inyong mga kamag-anak, o inyong mga kaibigan?

Sa pisara, isulat ang “Ang Diwa ni Elijah.” Idispley ang sumusunod na mga sipi at anyayahan ang ilang estudyante na basahin nang malakas ang mga ito sa klase:

Elder Russell M. Nelson

Itinuro ni Elder Russell M. Nelson na ang diwa ni Elijah ay “manipestasyon ng Espiritu Santo na nagpapatotoo sa likas na kabanalan ng pamilya” (“A New Harvest Time,” Ensign, Mayo 1998, 34).

Elder David A. Bednar

Si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagbigay ng karagdagang mga ideya kung paano naiimpluwensyahan ng diwa ni Elijah ang mga tao: “Ang kakaibang impluwensyang ito ng Espiritu Santo ay naghihikayat sa mga tao na tukuyin, idokumento, at itangi ang kanilang mga ninuno at kapamilya—kapwa noon at ngayon.

“Ang Diwa ni Elias ay umaapekto sa mga miyembro at hindi miyembro ng Simbahan. Gayunman, bilang mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan ni Cristo, may responsibilidad tayo sa ating tipan na saliksikin ang ating mga ninuno at magsagawa ng nakapagliligtas na mga ordenansa ng ebanghelyo para sa kanila. …

“Dahil dito nagsasaliksik tayo ng kasaysayan ng ating pamilya, nagtatayo ng mga templo, at nagsasagawa ng nakapagliligtas na mga ordenansa para sa mga patay. Dahil dito isinugo si Elijah upang ipanumbalik ang awtoridad na magbuklod na may bisa sa lupa at sa langit” (“Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 25–26).

Tulungan ang mga estudyante na matukoy at mas maunawaan ang mga doktrinang itinuro nina Elder Nelson at Elder Bednar sa pagtatanong ng:

  • Ano ang ibig nating sabihin kapag binabanggit natin ang “diwa ni Elijah”?

  • Sa paanong paraan maiimpluwensyahan ng Espiritu Santo ang ating damdamin tungkol sa pamilya? (Ang diwa ni Elijah, na malinaw na impluwensya ng Espiritu Santo, ay nagpapatotoo sa kabanalan ng pamilya at tinutulungan tayong pahalagahan ang mga miyembro ng ating pamilya, kapwa noon at ngayon. Ikinikintal din nito sa ating isipan ang hangarin na isagawa ang nakapagliligtas na mga ordenansa para sa ating mga ninuno.)

  • Nadama na ba ninyong bumaling ang inyong puso sa inyong mga ninuno sa ilang paraan? Kung oo, ano ang nadama ninyo na dapat ninyong gawin? (Kung kinakailangan, ipaalala sa mga estudyante ang naunang mga lesson sa kurso tungkol sa kung paano nakikipag-ugnayan sa atin ang Espiritu Santo.)

Pakikibahagi sa Gawain sa Family History.

Ipakita sa mga estudyante ang kumpletong apat-na-henerasyong pedigree chart o isang fan chart na na-print mula sa FamilySearch.org. Hilingin sa mga estudyante kung ano ang impormasyon na nasa mga dokumentong ito.

Magbigay ng blangkong apat na-henerasyong pedigree chart sa bawat estudyante. Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para suriin ang pedigree chart at isulat ang mga pangalan ng kanilang mga ninuno sa abot ng makakaya nila.

pedigree chart handout

Itanong sa mga estudyante:

  • Saan kaya ninyo maaaring mahanap ang impormasyong kailangan para makumpleto ang iyong pedigree chart o fan chart? (Paalalahanan ang mga estudyante na dapat muna silang humingi ng tulong sa mga magulang, lolo‘t lola, o iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang mga ward o branch family history consultant ay makatutulong din nang malaki sa inyong pagsasaliksik ng family history. Bukod pa riyan, dapat alam ng mga estudyante ang website ng Simbahan para sa family history research, ang FamilySearch.org.)

Itanong kung gusto ng sinumang estudyante na ibahagi ang kanilang karanasan gamit ang FamilySearch para malaman ang tungkol sa kanilang mga ninuno. Kung hindi pa nagamit ng mga estudyante ang FamilySearch, bigyan sila ng maikling buod ng kung ano ang matatagpuan nila roon. Maaari mo ring buksan ang FamilySearch.org sa computer at gumawa ng pagsasaliksik gamit ang pangalan ng isa sa mga yumaong ninuno ng iyong mga estudyante. Bigyang-diin na ang FamilySearch ay isang tool na tumutulong sa atin upang matukoy ang ating mga ninuno at ihanda ang kanilang impormasyon para maisumite sa templo para magawan ng nakapagliligtas na mga ordenansa.

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang isa pang paraan upang maranasan ang family history ay tipunin ang mga kuwento tungkol sa kanilang mga ninuno at miyembro ng pamilya. Matutulungan tayo ng mga kuwento ng family history na madama ang diwa ni Elijah at pag-ibayuhin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa mga miyembro ng pamilya na nasa kabilang-buhay na. Isiping magbahagi ng maikling kuwento tungkol sa isa sa iyong mga ninuno. Pagkatapos ay itanong:

  • Paano maiimpluwensyahan ng mga kuwento ukol sa family history ang inyong damdamin sa mga miyembro ng inyong pamilya?

  • Paano ito nakatutulong sa inyo na mas maunawaan kung sino kayo at ano ang maaari ninyong kahinatnan?

video iconIpalabas ang video na “The Time Is Now” (3:20). Habang pinanonood nila ang talakayang kasama si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, hikayatin ang mga estudyante na isipin ang mga dahilan kung bakit nila sinimulan o gustong simulan ang pakikibahagi sa gawain sa family history.

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa gawain sa family history mula kay Elder Bednar at sa mga kabataan sa video na ito?

  • Ano ang nadama ng mga kabataang ito nang makibahagi sila sa gawain sa family history?

Sabihin sa mga estudyante na may pangako si Elder Bednar sa mga kabataan na nakikibahagi sa gawain sa templo at family history. Idispley ang sumusunod na sipi at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Elder David A. Bednar

“Sa pagtugon ninyo nang may pananampalataya sa paanyayang ito [na makibahagi sa gawain sa family history at magsagawa ng mga binyag para sa inyong mga ninuno], ang inyong puso ay babaling sa mga ama. Ang mga pangako kina Abraham, Isaac, at Jacob ay matatanim sa inyong puso. Ang inyong patriarchal blessing, na naghahayag ng inyong angkan, ay iuugnay kayo sa mga ninunong ito at magiging mas makahulugan sa inyo. Ang pagmamahal at pasasalamat ninyo sa inyong mga ninuno ay mag-iibayo. Ang inyong patotoo at pananalig sa Tagapagligtas ay lalalim at mananatili. At ipinapangako ko na mapoprotektahan kayo laban sa tumitinding impluwensya ng kaaway. Sa pakikibahagi at pagmamahal ninyo sa banal na gawaing ito, kayo ay pangangalagaan sa inyong kabataan at sa habambuhay” (“Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 26–27).

Itanong sa mga estudyante:

  • Aling mga pagpapala na binanggit ni Elder Bednar ang gusto ninyong matanggap, at bakit? (Maaaring kasama sa mga sagot ang alituntunin na ang pakikibahagi sa gawain sa family history ay nagpapalakas sa ating pagbabalik-loob sa Tagapagligtas at naghahatid ng espirituwal na proteksyon laban sa impluwensya ng kaaway.)

Matutulungan mo ang mga estudyante na magbahagi ng personal na mga karanasan na nauugnay sa gawain ng family history sa pagtatanong ng gaya ng sumusunod:

  • Paano ninyo naranasan ang isa o higit pa sa mga ipinangakong pagpapalang ito sa inyong buhay?

  • Mayroon ba sa inyo o isang miyembro ng inyong pamilya na nahanap ang pangalan ng isang ninuno at pagkatapos ay nagpunta sa templo upang magpabinyag para sa taong iyon? Paano naiiba ang karanasang iyon sa pagpapabinyag para sa isang tao na hindi kamag-anak?

  • Kung walang estudyanteng nakaranas nito, isiping itanong: Paano ninyo naranasan ang ipinangakong mga pagpapala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga binyag para sa mga patay?

Kung sa inyong talakayan sa klase ay may nalaman kayong isa o mas marami pang estudyante na nakibahagi at nagkaroon ng matinding damdamin tungkol sa family history, maaari mong itanong sa kanila kung anong payo ang ibibigay nila sa isang tao na kaedad nila na hindi pa nagsimulang gumawa ng gawain sa family history.

Paggamit sa Family History sa Pag-anyaya sa Iba na Lumapit kay Cristo

Sabihin sa mga estudyante na ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa family history ay naging popular na aktibidad sa mundo ngayon. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

Pangulong Gordon B. Hinckley

“Milyun-milyon ang mga tao sa buong mundo na gumagawa ng mga talaan ng family history. Bakit? Bakit nila ito ginagawa? Naniniwala ako na ito ay dahil sa naantig sila ng diwa ng gawaing ito, isang bagay na tinatawag nating diwa ni Elijah. Ito ay ang pagbaling ng mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama. Hindi nauunawaan ng karamihan sa kanila ang anumang tunay na layunin nito, maliban lang siguro sa matindi at nakahihikayat na pag-uusisa.

“Marapat lang na may layunin sa napakalaking pag-uukol na ito ng panahon at pera. Ang layuning iyon, na taimtim naming pinatototohanan, ay ang matukoy ang mga henerasyon ng mga patay upang maisagawa ang mga ordenansa para sa kanila para sa kanilang walang-hanggan at habampanahong pagpapala at pag-unlad” (“A Century of Family History Service,” Ensign, Mar. 1995, 62).

Itanong:

  • Paano magagamit ng mga missionary ang lumalaking, pandaigdigang interes na ito sa family history para ipakilala sa iba ang ebanghelyo?

Ipabasa nang malakas sa mga estudyante ang unang tatlong talata at ang huling talata ng bahagi na may pamagat na “Family History” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 187–89. Ipahanap sa kanila kung bakit ang pagbanggit ng tungkol sa gawain sa family history ay natural na paraan at hindi nagiging sanhi ng pagkabahala sa mga di-miyembro para masimulan ng mga missionary ang pakikipag-usap. Pagkatapos basahin ang mga talatang ito, itanong:

  • Paanong ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa gawain sa family history ay mabisang tool para makahanap ang mga missionary ng mga taong tuturuan? (Dapat maunawaan ng mga estudyante na ang family history ay maaaring maging mabisang resource na gagamitin sa paghahanap ng mga taong inihahanda ng Panginoon na tumanggap ng ebanghelyo.)

video iconPagkatapos sumagot ang mga estudyante, ipalabas ang video na “Family History and Missionary Work—Finding” (3:53). Habang nanonood sila, hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano nila gagamitin ang paksa ng family history para masimulan ang pakikipag-usap sa iba.

Pagkatapos ng video, itanong:

  • Ano ang ginawa ng mga missionary sa video para simulan ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa gawain sa family history?

  • Ano ang naging epekto ng mga pag-uusap tungkol sa gawain sa family history sa potensiyal na mga investigator?

Sabihin sa mga estudyante na magpapraktis na sila ngayong gumamit ng pedigree chart para anyayahan ang isang tao na alamin pa ang tungkol sa Simbahan. (Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila magagamit ang isang kuwento tungkol sa isa sa kanilang mga ninuno para masimulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo.) Para tulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa gawaing ito, hingin ang mga ideya ng mga estudyante kung paano gagamitin ang pedigree chart (o isang kuwento tungkol sa isang ninuno) para masimulan ang pakikipag-usap tungkol sa gawain sa family history at paano ito hahantong sa isang mensahe tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Habang sumasagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang kanilang mga ideya.

Gamitin ang ilan sa kanilang mga ideya at ipakita sa klase kung paano gamitin ang pedigree chart para masimulan ang pakikipag-usap sa isang tao tungkol sa ebanghelyo. Pagkatapos ay ipares ang bawat estudyante sa isa pang miyembro ng klase at sabihing magpraktis silang gawin ito. Pagkatapos magkaroon ang bawat estudyante ng pagkakataong turuan ang isa pang miyembro ng klase, magtanong ng follow-up na tanong na tulad ng:

  • Ano sa palagay ninyo ang nagawa nang maayos sa practice teaching na ito?

  • Ano ang gusto ninyong pagbutihin pa?

video iconKung may oras pa, ipaliwanag sa mga estudyante na sa maraming lugar kung saan sila maglilingkod, ang mga missionary ay hinihilingang tumulong sa pagpapatatag ng pananampalataya at katapatan ng mga di-gaanong aktibong miyembro ng Simbahan. Ang family history ay maaaring maging mahalagang tool para tulungan ang mga taong ito na madama ang Espiritu Santo at lumapit kay Cristo. Pagkatapos ay ipalabas ang video na “Family History and Missionary Work—Activation” (3:05), at ipahanap sa mga estudyante ang mga paraan na magagamit ang family history upang tumulong sa pagpapaaktibo sa di-gaanong aktibong mga miyembro:

Pagkatapos ng video, itanong:

  • Paano makatutulong ang pag-uusap tungkol sa gawain sa family history at ang doktrina ng mga walang-hanggang pamilya sa pagpapalakas ng pananampalataya ng mga di-gaanong aktibong miyembro?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipan kung ano ang magagawa nila ngayon at kung ano ang magagawa nila bilang mga missionary para magamit ang gawain sa family history bilang kasangkapan upang anyayahan ang iba na lumapit kay Cristo. (Ayon sa pahiwatig ng Espiritu, maaari mong tawagin ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.) Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga alituntuning itinuro sa lesson na ito.

Mga Paanyayang Kumilos:

Anyayahan ang mga estudyante na makibahagi ngayon sa gawain ng kaligtasan sa paggawa ng isa o mas marami pa sa sumusunod na mga aktibidad:

  • Mag-set up ng LDS account para ma-access mo ang FamilySearch.org. Kung maaari, gumawa at mag-print ng apat-na-henerasyong pedigree chart o isang fan chart na may impormasyon ng inyong pamilya.

  • Ipakita ang inyong apat-na-henerasyong pedigree chart sa isang kaibigan o kapitbahay at anyayahan siyang alamin pa ang tungkol sa family history. Magtakda ng petsa para isama ang iyong kaibigan sa isang family history consultant o bisitahin ang isang family history library.

  • Gamit ang FamilySearch.org, tukuyin ang isa o mahigit pa sa inyong mga ninuno na kailangang gawan ng mga ordenansa sa templo. Kung maaari, ihanda ang impormasyon para sa kanilang gawain sa templo at kumpletuhin ang mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon para sa kapakanan nila.

Handout

pedigree chart handout