Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Mga Banal na Kasulatan


“Mga Banal na Kasulatan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Mga Banal na Kasulatan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

babaeng nagbabasa ng mga banal na kasulatan sa isang klase

Mga Banal na Kasulatan

Para sa mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw, ang paghahayag mula sa Diyos na ibinibigay sa pamamagitan ng mga sugo bilang banal na kasulatan ang pundasyon para sa pag-alam sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa mga pangako, at pakikibahagi sa matapat na pagsamba.

Mga Muslim

Naniniwala ang mga Muslim na ang Qur’an ay salita ng Diyos at ang Kanyang huling paghahayag sa sangkatauhan. Ang Qur’an ay naghahayag ng kalooban ng Diyos, nagtuturo kung paano manatili sa landas na naghahatid ng kaligtasan. Bagama’t inihayag ito mahigit 1,400 taon na ang nakararaan, ang mga salita sa Arabic ay hindi kailanman nabago, kaya namumukod-tangi ito sa iba pang mga aklat ng banal na kasulatan. Naniniwala rin ang mga Muslim sa mga banal na kasulatan na nauna sa Qur’an: ang Torah at ang Biblia (tingnan sa Qur’an 3:3). Ang pangalawang pinagmumulan ng patnubay ay ang mga salita at halimbawa ng buhay ni Propetang Muhammad (SAW), na kilala bilang Sunnah.

babaeng nagbabasa ng Qur’an

Mga Banal sa mga Huling Araw

Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay naniniwala sa Banal na Biblia at sa Aklat ni Mormon (isang talaan ng mga tao sa Amerika mula 600 BC hanggang AD 400) bilang salita ng Diyos. Kabilang sa mga karagdagang banal na kasulatan ang Doktrina at mga Tipan (mga paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith at sa iba pa) at ang Mahalagang Perlas (mga isinulat nina Abraham, Moises, at Mateo, tulad ng inihayag kay Propetang Joseph Smith). Ang mga banal na kasulatan ay nagpapatotoo kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ng sanlibutan at ipinapakita sa mga tao kung paano mamuhay upang makabalik sila sa Diyos (tingnan sa Banal na Biblia, Juan 5:39).