Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Pamilya


“Pamilya,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Pamilya,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

pamilyang nagbibisikleta

Pamilya

Naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan atmahalagang pinagmumulan ng kagalakan.

Kapwa naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na ang kasal ay isang sagradong tipan sa harapan ng Diyos. Ang mag-asawa ay dapat magtulungan sa pagtataguyod sa kanilang mga anak, pagtuturo ng kabutihan, at pagpapakita ng pagmamahal. Ang mga anak ay may tungkuling igalang, sundin, at mahalin ang kanilang mga magulang at iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang tahanan ay dapat maging lugar ng pagkakaisa at kaligtasan.

Mga Muslim

Naniniwala ang mga Muslim na responsibilidad ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak na may takot sa Diyos. Ang mga miyembro ng pamilya, kung matwid, ay maaaring magkasama-sama sa Paraiso pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli. Ang pagpapanatili ng matatag na ugnayan ng pamilya ay isang obligasyon, na pinagmumulan ng kaligayahan: “Panginoon namin! Ipagkaloob po ninyo na ang aming asawa at ang aming mga anak ay maging kagalakan sa inyong mga mata” (Qur’an 25:74; tingnan din sa 3:110).

pamilyang nakaupo sa sofa

Mga Banal sa mga Huling Araw

Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na ang pamilya ang sentro sa plano ng kaligtasan ng Diyos para sa lahat ng tao. Ang mga ugnayan ng pamilya ay maaaring magpatuloy sa kabilang-buhay. Ang mga tipang ginawa sa mga banal na templo ay nagbubuklod sa mga pamilya para sa kawalang-hanggan. “Ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula,” na pinagmumulan ng kagalakan sa buhay na ito at sa kabilang-buhay (Mga Awit 127:3–5).