“Pagtulong sa mga Nangangailangan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)
“Pagtulong sa mga Nangangailangan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw
Pagtulong sa mga Nangangailangan
Ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay kapwa naniniwala na ang pagdamay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga handog at paglilingkod sa iba ay mahalagang bahagi ng tunay na pananampalataya sa Diyos.
Mga Muslim
Itinuturo ng Qur’an, “Mabuti siya na … ibinibigay ang kanyang kayamanan, dahil sa pag-ibig sa Diyos, sa mga kamag-anak at sa mga ulila at nangangailangan at sa mga manlalakbay at sa mga taong humihingi … at nagmamalasakit sa mga dukha” (Qur’an 2:177). Ang pag-ibig sa kapwa-tao—bukas-palad na paglilingkod sa iba—ay itinuturo sa mga Muslim. Ang Zakat ay donasyon na 2.5 porsiyento ng taunang kita na obligadong ibigay sa mga taong nangangailangan. Ang Shi’as ay pagbibigay rin ng karagdagang 20 porsiyento ng kayamanan na nakuha mula sa ilang sources (khums) upang suportahan ang gawain ng kanilang relihiyon.
Ang mga organisasyong islam ay tumutulong sa mga maralita at sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo na napilitang magsilikas sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang pang-ekonomiya, medikal, at pang-edukasyon, kadalasan ay sa pakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyong pangrelihiyon.
Mga Banal sa mga Huling Araw
Itinuturo sa mga Banal sa mga Huling Araw na “ibahagi [nila] ang [kanilang] kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapanamit sa hubad, pagdalaw sa may karamdaman, at pangangasiwa sa kanilang ikagiginhawa, kapwa espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan” (Aklat ni Mormon, Mosias 4:26). Ang boluntaryong paglilingkod at mga paghahandog ay tumutugon sa utos na ito. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nagbibigay rin ng 10 porsiyento ng kanilang kita (ikapu) upang suportahan ang gawain ng Simbahan.
Ang katuparan ng banal na utos na ito ay nakikita sa pandaigdigang pagkakawanggawa ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa lahat ng tao anuman ang relihiyon, lahi, o paniniwala.