Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Mga Banal na Lugar


“Mga Banal na Lugar,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Mga Banal na Lugar,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

Ka’ba

Ang pinakabanal na lugar sa Islam, ang Ka’bah (ang itim na istruktura sa gitna ng plaza), ay matatagpuan sa Mecca, Saudi Arabia

Mga Banal na Lugar

Ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay bumibisita sa mga banal na lugar at nakikibahagi sa mga sagradong ritwal. Ang paggawa nito ay tumutulong sa kanila na masunod ang patnubay ng Diyos at matanggap ang Kanyang awa at mga pagpapala.

Mga Muslim

Ang pinakaaasam na pangyayari para sa bawat Muslim na may pisikal, mental, at pinansyal na kakayahan ay ang magawa ang sagradong paglalakbay [pilgrimage] patungo sa Bahay ng Diyos, o Ka’bah, sa Mecca. Ang sagradong paglalakbay na ito ay kilala rin bilang Hajj. Ang Hajj ay isang napaka-espirituwal at makabuluhang karanasan na naghihikayat ng pagkakaisa ng mga Muslim sa buong mundo. Nakikibahagi ang mga Muslim sa mga ritwal na kinapapalooban ng pagpapatotoo sa Pagiging Isa ng Diyos, pagsisisi, at paghingi ng kapatawaran sa Diyos. Ang mga ritwal na ito ay nagpapatibay sa pangangailangang sundin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagdaig sa labis na pagpapahalaga sa sarili at pag-alis ng mga simbolo ng katayuan sa lipunan, kayamanan, at kapalaluan.

templo

Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na ang mga templo ang bahay ng Diyos. Ang templong ito ay matatagpuan sa Salt Lake City, United States

Mga Banal sa mga Huling Araw

Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, ang pinakamahalagang progreso sa mundo ay ang makipagtipan sa Diyos sa Kanyang templo. Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na ang templo ay bahay ng Diyos at nakapagtayo na sila ng daan-daang templo sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa templo, ang kasuotan at mga ritwal ay sumisimbolo na lahat ng karapat-dapat na kababaihan at kalalakihan ay pantay-pantay sa harapan ng Diyos. Ang mga ordenansa at tipan ay nagtuturo sa mga Banal sa mga Huling Araw na maunawaan ang mga layunin ng Diyos, sundin ang Kanyang mga kautusan, pakitunguhan ang kanilang kapwa nang may habag, at maghanda para sa kabilang-buhay. Sa mga templo, ang mga pagbubuklod ng pamilya ay maaaring tumagal sa kawalang-hanggan.