Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Kalinisang-puri


“Kalinisang-puri,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Kalinisang-puri,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

lalaki at babae na nag-uusap

Kalinisang-puri

Ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay naniniwala na nalulugod ang Diyos sa kadalisayan at kalinisang-puri.

Naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na ang katawan ay sagradong tahanan para sa espiritu at ang kanilang mga iniisip, sinasabi, at ginagawa ay dapat maging dalisay. Ang mga miyembro ng dalawang relihiyon ay naniniwala sa pagsunod sa mga batas ng Diyos at pagsunod sa mahigpit na batas ng pag-uugali na may kaugnayan sa mga seksuwal na relasyon. Sa dalawang relihiyon, ang mga seksuwal na relasyon ay katanggap-tanggap lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na ikinasal nang naaayon sa batas. Ang kalinisang-puri bago ang kasal at katapatan sa asawa pagkatapos ng kasal ay isang kautusan sa dalawang relihiyong ito.

lalaki at babae na nakangiti