Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Pag-aayuno


“Pag-aayuno,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Pag-aayuno,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

tradisyunal na pagkaing iftar

Nakahanda sa mesa para sa tradisyunal na iftar matapos ang araw-araw na pag-aayuno sa panahon ng Ramadan

Pag-aayuno

Para sa mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw, ang pag-aayuno ay nagpapalakas ng espirituwalidad at nagtataguyod ng temporal na kapakanan at mas naglalapit sa matatapat na miyembro sa Diyos.

Mga Muslim

Nakikibahagi ang mga Muslim sa isang pandaigdigang pag-aayuno taun-taon sa panahon ng Ramadan. Mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon ng lunar month, iniiwasan ng mga Muslim ang pagkain, inumin, tabako, at iba pang mga pisikal na kasiyahan. Ang isang Muslim na nag-aayuno ay regular na nagbibigay ng mga handog sa mga maralita sa pagtatapos ng Ramadan at sa buong taon. Ang pag-aayuno ay kadalasang nagpapadama ng pagpipitagan, katapatan, espirituwal na lakas, at pakikiramay.

lalaking nagbibigay ng handog-ayuno

Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nakatutulong sa mga maralita sa kanilang buwanang pag-aayuno

Mga Banal sa mga Huling Araw

Karaniwang nag-aayuno ang mga Banal sa mga Huling Araw sa unang Sabbath ng bawat buwan. Nag-aayuno sila sa pamamagitan ng hindi pagkain at pag-inom sa loob ng 24 oras o nang dalawang kainan. Hinihikayat silang mag-ayuno para sa isang espesyal na layunin, tulad ng paghingi ng pagpapala ng Diyos para sa isang kapamilya o pagtanggap ng banal na patnubay. Kabilang sa pag-aayuno ang panalangin, pagninilay, at pagbibigay ng pera o iba pang resources para tulungan ang mga taong maralita, nagugutom, o nangangailangan ng matitirhan.