Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Panalangin


“Panalangin,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Panalangin,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

Larawan
lalaking Muslim na nananalangin sa Mosque

Panalangin

Naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na ang mga tao ay dapat makipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin. Ang panalangin ay mahalaga sa dalawang relihiyon.

Mga Muslim

Naniniwala ang mga Muslim na mahalaga ang ginagampanan ng panalangin sa pagpapanatili ng pananampalataya. Ang mga Muslim ay umuusal ng limang panalangin araw-araw gamit ang eksaktong mga salita mula sa Qur’an at mga ritwal habang nakaharap sa Bahay ng Diyos, na tinatawag na Ka’bah, sa Mecca. Bukod pa sa ritwal na mga panalangin araw-araw, ang mga Muslim ay nagdarasal nang personal. Sa pamamagitan ng panalangin, pinananatili ng mga Muslim ang kanilang kaugnayan sa Diyos, nagkakaroon ng lakas na maiwasan ang tukso, at humihingi ng kapatawaran at patnubay. Ang mga Muslim ay sama-samang nagtitipon sa masjid (mosque) para manalangin bilang komunidad.

Larawan
pamilyang nananalangin

Mga Banal sa mga Huling Araw

Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na isang kautusan ang manalangin at nais ng mapagmahal na Diyos na kausapin Siya ng lahat ng Kanyang mga anak sa pamamagitan ng panalangin. Ang panalangin ay tumutulong sa mga tao na mas mapalapit sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, magkaroon ng lakas na makayanan ang paghihirap at kalungkutan, at tumanggap ng patnubay sa pagpapalaki ng pamilya at paglilingkod sa iba. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay tinuturuang manalangin nang mag-isa, bilang mga pamilya, at bilang mag-asawa. Ang mga pagtitipong pangrelihiyon ay mga pagkakataon para makapanalangin nang sama-sama bilang isang kongregasyon.

Print