“Buhay Pagkatapos ng Kamatayan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)
“Buhay Pagkatapos ng Kamatayan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw
Buhay Pagkatapos ng Kamatayan
Naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na ang espiritu ng tao ay patuloy na nabubuhay pagkatapos ng kamatayan, na nasa kalagayan ng kaligayahan o kalungkutan hanggang sa panahon ng pagkabuhay na mag-uli. Kapwa sila naniniwala na lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli at tatanggap ng gantimpala na marapat sa kanila sa Araw ng Paghuhukom.
Mga Muslim
Naniniwala ang mga Muslim na sila ay mabubuhay na mag-uli pagkatapos ng kamatayan upang panagutin sa kanilang mga ginawa. Itinuturo ng Qur’an, “Sa Araw na yaon, ang mga tao ay lalapit … upang maipakita ang kanilang mga gawa: sinuman ang nakagawa ng malaking kabutihan ay makikita ito, at ang sinumang nakagawa ng malaking kasamaan ay makikita iyan” (99:6–8). Gayunman, ang Diyos ay maawain, at pinatatawad Niya ang mga tunay na sumusunod sa Kanya.
Mga Banal sa mga Huling Araw
Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay naniniwala na ang pisikal na pagkabuhay na mag-uli ay naging posible sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesucristo at ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Itinuturo sa Aklat ni Mormon na lahat ay pananagutin sa kanilang mga ginawa sa pagkabuhay na mag-uli: “Darating ang araw na ang lahat ay magbabangon mula sa patay at tatayo sa harapan ng Diyos, at hahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa” (Alma 11:41). Pagkatapos ay itatalaga ng Diyos ang Kanyang mga anak sa isa sa tatlong kaharian ng kaluwalhatian. Ang mga nagmahal sa Diyos, naglingkod sa Kanya, sumunod sa Kanyang mga kautusan, at tunay na nagsisi sa lahat ng kanilang mga kasalanan ay tatanggapin ang pinakamaluwalhati sa mga kahariang ito.