Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Kalusugan ng Katawan


“Kalusugan ng Katawan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Kalusugan ng Katawan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

pamilyang nagdarasal sa harap ng pagkain

Kalusugan ng Katawan

Hinihikayat ng mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ang pagpapalusog ng katawan at pagpapaunlad ng espirituwalidad sa pamamagitan ng pag-iwas sa ilang pagkain at sangkap.

Mga Muslim

Para sa mga Muslim, inilalahad ng Qur’an ang mga pagkain na halal (ayon sa batas) o haram (labag sa batas). Kabilang sa mga labag sa batas na pagkain ay ang baboy, mga produktong mula sa baboy, alak, at anumang sangkap na maaaring makaapekto nang masama sa katawan o isipan. Dahil dito, iniiwasan din ng maraming Muslim ang tabako o sigarilyo. Ang pagkain ng karne ay katanggap-tanggap kung ang karne ay inialay ayon sa mga tuntunin sa banal na kasulatan. Para sa mga Muslim, ang mga batas na ito tungkol sa pagkain ay itinuturing na tanda ng pangangalaga at malasakit ng Diyos sa kanilang kapakanan.

Mga Banal sa mga Huling Araw

Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, inilalahad ng makabagong paghahayag ang partikular na gagawin para sa kalusugan at ipinagbabawal na mga sangkap. Ang health code na ito, na tinatawag na “Word of Wisdom,” ay naghihikayat ng pagkain ng mga prutas at butil at paunti-unting pagkain ng karne. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay umiiwas sa tabako o sigarilyo, alak, tsaa, kape, droga, o iba pang mga sangkap na nakapipinsala sa katawan o isipan. Naniniwala sila na ang pagsunod sa batas na ito ay nagdudulot ng kalusugan at dagdag na espirituwal na kaalaman.