Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Paggalang sa Isa’t Isa


“Paggalang sa Isa’t Isa,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Paggalang sa Isa’t Isa,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

mga babaeng nakangiti

Paggalang sa Isa’t Isa

Ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay iginagalang ang mga paniniwala ng isa’t isa.

Mga Muslim

Itinuturo ng Islam ang paggalang sa iba pang mga relihiyon, kabilang na ang Kristiyanismo. Sa halip na turuan ang mga Muslim na makipagpaligsahan sa doktrina sa mga taong iba ang relihiyon, sinasabi ng Qur’an na “makipagpaligsahan sa isa’t isa sa kabutihan.” Sa huli kapag nagbalik na ang lahat sa Diyos, “Sasabihin Niya sa inyo ang katotohanan ayon sa inyong mga pagkakaiba” (Qur’an 5:48; tingnan din sa 5:82).

Mga Banal sa mga Huling Araw

Itinuturo sa mga Banal sa mga Huling Araw na magpakita ng paggalang at pagmamahal sa mga taong iba ang relihiyon. Noong 1978 ipinahayag ng Unang Panguluhan ng Simbahan: “Ang mga dakilang lider ng relihiyon sa mundo tulad [ni] Muhammad … ay tumanggap … ng liwanag ng Diyos. Ang moral na mga katotohanan ay ibinigay sa kanila ng Diyos upang maliwanagan ang mga bansa at bigyan ng higit na [antas ng] pang-unawa ang mga tao.”