Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Pagmamahal sa Diyos at sa Sangkatauhan


“Pagmamahal sa Diyos at sa Sangkatauhan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Pagmamahal sa Diyos at sa Sangkatauhan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

Mga Muslim na tumutulong sa pag-aayos ng pagkain

Pagmamahal sa Diyos at sa Sangkatauhan

Naniniwala ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw na sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos at sa buong sangkatauhan, mananaig sa huli ang kapayapaan at kabutihan. Inilalaan nila ang kanilang buhay sa pamumuhay at pagtuturo ng mga alituntuning ito.

Mga Muslim

Itinuturo ng Qur’an sa mga Muslim, “Ang sinumang nagliligtas ng buhay, ay parang nagligtas na rin ng buong sangkatauhan” (5:32) at “Tunay ngang ang Diyos ay kasama ng mga taong naglilingkod sa kapwa” (29:69).

Mga boluntaryong Helping Hands na nag-aalis ng mga debris o kalat

Mga Banal sa mga Huling Araw

Itinuturo ng Aklat ni Mormon sa mga Banal sa mga Huling Araw, “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17).