“Pagkakaiba-iba ng Relihiyon,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)
“Pagkakaiba-iba ng Relihiyon,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw
Pagkakaiba-iba ng Relihiyon
Ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay maraming magkatulad na paniniwala, pinahahalagahan, at pamumuhay. Ang mga turo ng dalawang relihiyon ay naghihikayat sa mga nagsisisampalataya na:
-
Kilalanin ang kabutihan na matatagpuan sa iba pang mga relihiyon,
-
Pakitunguhan ang mga tagasunod ng iba pang mga relihiyon nang may pagpaparaya at dignidad, at
-
Kilalanin na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay nagbibigay ng pagkakataon na makipagtulungan sa pagpapabuti ng buhay ng mga indibiduwal, pamilya, at komunidad.
May malalaking pagkakaiba sa teolohiya sa pagitan ng dalawang relihiyon, lalo na ang tungkol sa pagkadiyos ni Jesucristo at sa pangangailangan sa mga buhay na propeta. Gayunman, ang mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ay patuloy na bumubuo at nagkakaroon ng makabuluhang mga ugnayan sa pamamagitan ng pagkilala sa espirituwal na katotohanan na taglay ng bawat relihiyon at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa.