Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Ang Papel na Ginagampanan ng Kababaihan


“Ang Papel na Ginagampanan ng Kababaihan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Ang Papel na Ginagampanan ng Kababaihan,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

babaeng nakangiti

Ang Papel na Ginagampanan ng Kababaihan

Pinahahalagahan ng mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw ang kababaihan at ang kanilang mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan at sa tahanan.

Mga Muslim

Itinuturing ng Islam na magkapantay at magkatugma ang papel na ginagampanan ng kalalakihan at kababaihan (tingnan sa Qur’an 3:195), na ang kababaihan ang pangunahing nag-aasikaso sa tahanan at ang kalalakihan naman ang nasa labas para maghanapbuhay. Ang kababaihang Muslim ay may mahahalagang ginagampanan din sa lipunan o komunidad. Hinikayat ni Propetang Muhammad (SAW) ang pagtatamo ng edukasyon: bawat babaeng Muslim ay may obligasyong moral at pangrelihiyon na maghangad ng kaalaman, paunlarin ang kanyang talino, palawakin ang kanyang pananaw, linangin ang kanyang mga talento, at gamitin ang kanyang potensyal para sa kapakanan ng kanyang kaluluwa at ng kanyang lipunan.

babaeng nakangiti 2

Mga Banal sa mga Huling Araw

Ang pinakadakilang layunin sa teolohiya ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang kadakilaan, o buhay na walang hanggan ng pamilya sa piling ng Diyos. Ang pagbuo ng matatag at mapagmahal na ugnayan ng pamilya ay parehong prayoridad ng kababaihan at kalalakihan (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). Ang pagiging ina ay banal na tungkuling pangalagaan ang mga anak ng Diyos. Ang kababaihan at kalalakihan ay may pantay na pananagutan sa pamilya, sa Simbahan, at sa komunidad. Ang kababaihang Banal sa mga Huling Araw ay hinihikayat na magtamo ng edukasyon at linangin ang kanilang mga talento. Kabilang din sila sa Relief Society, isang pandaigdigang komunidad na puno ng pagdamay at paglilingkod.