Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 120


Bahagi 120

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, Hulyo 8, 1838, ipinaaalam ang pamamahagi ng mga ari-ariang ibinigay bilang ikapu tulad ng binanggit sa sinundang paghahayag, sa bahagi 119.

1 Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon, sumapit na ngayon ang panahon, na ito ay ipamamahagi ng isang kapulungan, na binubuo ng Unang Panguluhan ng aking Simbahan, at ng obispo at ng kanyang kapulungan, at ng aking mataas na kapulungan; at ng sarili kong tinig sa kanila, wika ng Panginoon. Maging gayon nga. Amen.