Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 125


Bahagi 125

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, Marso 1841, hinggil sa mga Banal sa teritoryo ng Iowa.

1–4, Ang mga Banal ay magtatayo ng mga lungsod at magtitipon sa mga istaka ng Sion.

1 Ano ang kalooban ng Panginoon hinggil sa mga banal sa Teritoryo ng Iowa?

2 Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon, sinasabi ko sa inyo, kung ang mga yaong tinatawag ang kanilang sarili sa aking pangalan at nagsisikap na maging aking mga banal, kung kanilang gagawin ang aking kalooban at susundin ang aking mga kautusan hinggil sa kanila, sama-sama nilang tipunin ang kanilang sarili sa mga lugar na itatalaga ko sa kanila sa pamamagitan ng aking tagapaglingkod na si Joseph, at magtayo ng mga lungsod sa aking pangalan, upang sila ay maging handa sa yaong nakalaan para sa panahong darating.

3 Magtayo sila ng isang lungsod sa aking pangalan sa lupaing katapat ng lungsod ng Nauvoo, at ang pangalang Zarahemla ang ipangalan dito.

4 At tanggapin ng lahat ng yaong nanggagaling sa silangan, at sa kanluran, at sa hilaga, at sa timog, na may nais na manirahan dito, ang kanilang mana sa yaon din, gayundin sa lungsod ng Nashville, o sa lungsod ng Nauvoo, at sa lahat ng istaka na aking itinakda, wika ng Panginoon.

Print