Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 126


Bahagi 126

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa bahay ni Brigham Young, sa Nauvoo, Illinois, Hulyo 9, 1841. Sa panahong ito, si Brigham Young ay Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

1–3, Si Brigham Young ay pinupuri dahil sa kanyang mga gawain at tinatanggalan ng tungkuling maglakbay sa ibayong lugar sa hinaharap.

1 Minamahal at lubos na kinagigiliwang kapatid na Brigham Young, katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon sa iyo: Aking tagapaglingkod na Brigham, hindi na hinihingi sa iyong kamay na iwanan ang mag-anak mo tulad noong mga panahong nakalipas, sapagkat ang iyong pag-aalay ay katanggap-tanggap sa akin.

2 Nakita ko ang iyong mga gawain at paghihirap sa mga paglalakbay para sa aking pangalan.

3 Samakatwid, inuutusan kitang ipalaganap ang aking salita sa ibayo, at bigyan ng natatanging kalinga ang iyong mag-anak mula sa oras na ito, simula ngayon at magpakailanman. Amen.