Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 13


Bahagi 13

Isang sipi mula sa kasaysayan ni Joseph Smith na isinasalaysay ang pag-oorden sa Propeta at kay Oliver Cowdery sa Pagkasaserdoteng Aaron malapit sa Harmony, Pennsylvania, Mayo 15, 1829. Ginawa ang pag-oorden sa pamamagitan ng mga kamay ng isang anghel na ipinakilala ang kanyang sarili na Juan, ang siya ring tinatawag na Juan Bautista sa Bagong Tipan. Ipinaliwanag ng anghel na siya ay kumikilos sa ilalim ng tagubilin nina Pedro, Santiago, at Juan, ang mga sinaunang Apostol, na hawak ang mga susi ng nakatataas na pagkasaserdote, na tinatawag na Pagkasaserdoteng Melquisedec. Ibinigay ang pangako kina Joseph at Oliver na sa tamang panahon, ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay igagawad sa kanila. (Tingnan sa bahagi 27:7–8, 12.)

Ipinaalam ang mga susi at kapangyarihan ng Pagkasaserdoteng Aaron.

1 Sa inyo na kapwa ko mga tagapaglingkod, sa pangalan ng Mesiyas, aking iginagawad ang Pagkasaserdoteng Aaron, na hawak ang mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; at ito ay hindi na muling kukunin sa mundo, hanggang ang mga anak na lalaki ni Levi ay mag-alay muli ng handog sa Panginoon sa katwiran.