Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 16


Bahagi 16

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Peter Whitmer Jr., sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (tingnan ang ulo ng bahagi 14). Kalaunan, si Peter Whitmer Jr. ay naging isa sa Walong Saksi sa Aklat ni Mormon.

1–2, Ang bisig ng Panginoon ay sumasa buong mundo; 3–6, Ang mangaral ng ebanghelyo at magligtas ng mga kaluluwa ang bagay na pinakamahalaga.

1 Makinig, aking tagapaglingkod na Peter, at pakinggan ang mga salita ni Jesucristo, na iyong Panginoon at iyong Manunubos.

2 Sapagkat dinggin, ako ay nangungusap sa iyo nang may katalasan at may kapangyarihan, sapagkat ang aking bisig ay sumasa buong mundo.

3 At aking sasabihin sa iyo ang yaong walang taong nakaaalam maliban sa akin at sa iyo lamang—

4 Sapagkat maraming ulit mo nang ninais sa akin na malaman kung alin ang magiging pinakamahalaga para sa iyo.

5 Dinggin, pinagpala ka dahil sa bagay na ito, at sa pagpapahayag ng aking mga salita na aking ibinigay sa iyo alinsunod sa aking mga kautusan.

6 At ngayon, dinggin, sinasabi ko sa iyo, na ang bagay na magiging pinakamahalaga para sa iyo ay magpahayag ng pagsisisi sa mga taong ito, upang makapagdala ka ng mga kaluluwa sa akin, upang ikaw ay makapagpahingang kasama nila sa kaharian ng aking Ama. Amen.