Bahagi 22
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Manchester, New York, Abril 16, 1830. Ibinigay sa Simbahan ang paghahayag na ito bunga ng ilan na dati nang nabinyagan na nagnanais na makiisa sa Simbahan nang hindi na muling bibinyagan.
1, Ang pagbibinyag ay isang bago at walang hanggang tipan; 2–4, Kinakailangan ang mabinyagan nang may karapatan.
1 Dinggin, sinasabi ko sa inyo na lahat ng lumang tipan ay aking pinapangyaring magwakas sa bagay na ito; at ito ay isang bago at walang hanggang tipan, maging ang yaong mula sa simula.
2 Samakatwid, bagama’t ang isang tao ay mabinyagan nang ilang daang ulit, hindi niya ito mapakikinabangan, sapagkat hindi kayo makapapasok sa makipot na pasukan sa pamamagitan ng batas ni Moises, ni sa pamamagitan ng inyong mga patay na gawa.
3 Sapagkat dahil sa inyong mga patay na gawa kaya aking pinapangyari ang huling tipan na ito at ang simbahang ito na maitayo para sa akin, maging tulad noong sinauna.
4 Anupa’t pumasok kayo sa pintuan, katulad ng aking iniutos, at huwag hangaring payuhan ang inyong Diyos. Amen.