Bahagi 26
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, Oliver Cowdery, at John Whitmer, sa Harmony, Pennsylvania, Hulyo 1830 (tingnan sa ulo ng bahagi 24).
1, Tinagubilinan sila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mangaral; 2, Pinagtibay ang batas ng pagsang-ayon ng lahat.
1 Dinggin, sinasabi ko sa inyo na ilalaan ninyo ang inyong panahon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at sa pangangaral, at sa pagpapatibay ng simbahan sa Colesville, at sa pagganap ng inyong mga gawain sa lupain, anuman ang kinakailangan, hanggang sa magtungo kayo sa kanluran upang idaos ang susunod na pagpupulong; at pagkatapos, ipaaalam sa inyo kung ano ang inyong gagawin.
2 At lahat ng bagay sa simbahan ay gagawin sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng lahat, sa pamamagitan ng labis na panalangin at pananampalataya, sapagkat ang lahat ng bagay ay inyong matatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Amen.